"Alexandra!!! Fvck!" Napadilat ako sa sigaw na yung, pagtinggin ko umiiyak na Alexander ang nakita ko
At Si Tito Miggy ang nakita ko at tatlong nurse
Umiiyak na lumapit sa akin si Xander saka niyakap ako ng mahigpit
"Thanks god!" Umiiyak na usal nito, takang tumingin ako sa kanila
Bakit buhay pa ako?
Naguguluhan ako, ano ba ang nangyare
"B-bakit nasa hospital ako?" Takang tanong ko sa kanya, "Wala ka ba naaalala?" Tanong nito sa akin
Umiling ako
"Wala na ako iba maalala,maliban na lang nasa tabing dagat tayo" sabi ko kay Xander
Nakakunot na tumingin siya sa akin "Anong tabing dagat ang sinasabi mo?"
"Huh?"
Napatinggin naman kami kay tito Miggy ng magsalita ito "Siguro ang tabing dagat na sinasabi niya yung nasa panaginip niya habang comatose siya" nagulat naman ako sa sinabi nito
Comatose? Paano nangyare nacomatose ako? Diba nga mamamatay na ako, dahil may taning ang buhay ko?
P-paano nangyare?
Napatinggin naman kami sa pintuan ng bumukas ito at dali dali lumapit ang magulang ko
Agad ako niyakap ni Mommy ng makalapit siya "Buti naman at gising kana anak ko" naluluha na sabi ni mommy
"Ano po ba ang nangyare sa akin?" Tanong ko, dahil hanggang ngayon naguguluhan pa din ako
Si Daddy ang sumagot "Naalala mo nung magpapa check up tayo? Naaksidente tayong tatlo ng mommy mo at nacomatose ka dahil nahirapan kang huminga at grabe ang pagtama sa ulo mo"
Dahil sa sinabi ni Daddy, biglang bumalik ang alaala ko na yung
Paliko na sana ang kotse ng may biglang sumulpot ng track ng gasolina, nahirapan mag preno si daddy kaya sumalpok kami duon
At nagsisigaw kami ni mommy dahil sa takot
Gumulong gulong ang kotse hanggang sa tumama ito sa hindi ko makita kung ano
Dahil na din sa usok nahihirapan ako huminga, at nakita ko maraming dugo dumadaloy sa mukha ko galing sa ulo ko
Yung na lang ang huling natandaan ko
"Ibig sabihin panaginip lang yung mamamatay ako?" Mahina na sabi ko
Na narinig ni Xander
"Anong mamamatay?" Takang tanong nito
Kinuwento ko naman sa kanya
Pagtapos ko mag kwento niyakap niya ako "Wag ka maniniwala sa panaginip mo na yung, dahil mawala ka pa lang ng isang segundo sa paningin ko mababaliw na ako sa pagkamiss sayo" kinilig naman ako sa sinabi niya
"At anak posible din magkaroon ka ng taning dahil sa sakit mo sa puso" si mommy ang nagsalita "Diba nga magaling kana at naoperahan kana nung 18th birthday mo dahil sakto nung bigla ka inatake sa mismong debut mo" napatango naman ako
Naalala ko naman nung nag debu ako
Pagtapos ng 17th roses ko, si Xander na ang lumapit sa akin at inabot niya sa akin
Ang bonquet of roses
"Happy Birthday baby A, I love you" sabay halik sa noo ko "I love you too baby" at nagsimula na kami sumayaw
BINABASA MO ANG
23 Days With Him [COMPLETED]
Teen FictionAlexandra R. Swift mabait,masipag,matalino,maganda at cold girl pero sa pagiging cold girl n'ya nagmamahal naman s'ya at walang iba tinitibok ng puso n'ya ay isang Alexander L. Carter umibig s'ya sa isang Playboy na lalake... Kahit alam n'ya na baba...