Chapter 12

2.6K 78 1
                                    

Alexandra's POV

Napasinghap naman ako ng may biglang umakbay sa akin, at walang iba kundi si Xander

"Hi baby" nakangiti na sabi niya sabay halik sa gilid ng ulo ko

nginitian ko din siya at yumakap sa bewang niya "Parang kagabi lang ang saya natin" mahina na sabi ko

"Shh.. it's not your fault kung bakit inatake ka ng sakit mo kaya ka nandito sa hospital ngayon" aniya

Kagabi kasi pauwi na ako sa amin ng biglang humina ang tibok ng puso ko hanggang sa hindi na ako nakahinga

kaya dinala niya ako dito...

"Ahm.. Xandra?" tumingin naman ako sa kanya "Bakit?"

"B-balak ko sana umatras sa kasal ko" sabi niya

nakaramdam naman ako ng kirot sa puso ko "K-kailan ba ang kasal?" mahina na tanong ko sabay yuko

"12 days from now" natigilan naman ako sa sagot niya

12 days...

Labing dalawang araw na lang ikakasal na siya at natitirang buhay ko

Ang alam lang ni Xander ay may taning ako pero hindi niya alam kung kailan

"W-wag'' hindi ko alam kung bakit ayan ang lumabas sa bibig ko

" What do you mean?" nakakunot na tanong niya

"Wag kang aatras sa kasal" aniya ko sa kanya sabay tinggin, pinipigilan ko wag may tumulo na luha mula sa akin

"Ituloy mo ang kasal mo"

Nakita ko naman ang gulat sa mukha niya sa sinabi ko "A-are you serious?" hindi makapaniwala na usal niya

"Y-yeah" sabay yuko ko

magsasalita na sana siya ng magsalita muli ako "Magpapahinga na muli ako basta tandaan mo ang sinabi ko, i-ituloy mo ang kasal"

at humiga na ako patalikod sa kanya

he sighed

at narinig ko ang pagbukas at pagsara ng pinto

Umalis siya...

'Gusto ko lang may mag-aalaga sayo kapag wala na ako' bulong ko at duon na ako tahimik na humagulgol



Ngayon araw din ako nakalabas ng hospital, ayoko sana kaso pinilit ko sila

ayoko sa hospital, dahil feeling ko mamamatay na ako kapag nandun ako....

"Ate gusto mo ba mag mall?" tanong ni Renzel, napaisip muna ako

kailangan ko din magkaroon ng huling bonding sa kapatid ko o sa pamilya ko

tumango naman ako bilang pang sang ayon

Pagtapos namin mag ikot ikot at mamili ni Renzel, nagpagdesisyunan namin kumain na

at dito kami sa Friday's pumunta

"CR lang ako ate" tumango naman ako at saka siya umalis

dahil hinihintay pa yung order namin, sumimsip muna ako ng juice na una dumating kaysa sa mga pagkain

napatinggin naman ako sa labas

at ganun na lang sakit ng naramdaman ko, ng makita ko si Xander

may kasama siyang babae at nakapulupot pa ang babae sa bewang habang siya nakaakbay dun sa babae

"Masakit na nga sa mata tinitignan mo pa din" napalingon namn ako sa nagsalita

Isang lalaki, na sa tinggin ko kasing edad or mas matanda pa sa akin

Maputi,matangkad at Gwapo

"W-who are you?" tanong ko

ngumiti siya "Valerian Black" sabay lahad ng kamay para makipag shake hands

Ang rude naman kung tatangihan ko

"Nice to meet you" aniya ko at nakipag shake hands sa kanya

"kuya Val, nandito kana pala" napakunot naman noo ko ng lapitan siya ng kapatid ko at nag fist bro sila

"Ate si Kuya Val pala, and kuya si ate Alexandra" -Renzel

"Nagkakilala na kami" sabi ko sa kapatid ko, "Kailan pa?" tanong niya

"ngayon ngayon lang" si Valerian na ang sumagot

tutor pala ni Renzel si Valerian sa pag gigitara, at nalaman ko na isang Manager si Valerian ng mga artista o mga singer

and he's 23 years old only para maging Manager

"Ate pwede kay kuya Val kana lang sumabay?" tanong ni Renzel

napakunot naman ang noo ko "Bakit?"

"Si Allyson kasi may sakit at walang bantay siya kasi sila tita Andrea umalis daw at mga kuya niya nasa klase pa daw" nginusuan ko naman ang kapatid ko

"Ikaw talaga lagi mo pinagpapalit ang mga lakad mo minsan, para lang sa best fried mo" nginitian niya naman ako

"Ate naman, kilala mo naman si Allyson.. ang tigas ng ulo nun lalo na kapag nagkakasakit gusto yung pamilya o ako lang ang magpainom ng gamot sa kanya ayaw niya sa nurse or yaya" tinanguan ko naman siya

"Sige na nga, ingat ka at pakisabi kay Allyson magpagaling siya"

"So hatid na kita sa inyo?" si Valerian, nginitian ko naman siya at saka ako tumango

"Yeah! let's go"

siya na nag presinta bitbitin mga paper bags na dala ko

Papunta pa lang kami sa parking lot ng may biglang humatak sa akin sa bewang

amoy pa lang kilala ko na

"X-Xander" utal na sambit ko, tinignan ko naman siya madilim ang mukha niya at halata na iritado siya

"Kilala mo siya Xandra?" tanong ni Valerian, nakita ko naman lalo dumilim ang mukha ni Xander

bago ko pa sagutin si Valerian

si Xander na ang sumagot "Of course kilala niya ako, I'm her BOYFRIEND" madiin na sabi ni Xander

"And don't call her 'Xandra' I'm the only one allowed her Xandra" dugtong niya pa

naramdaman ko naman ang pagbilis ng tibok ng puso ko

kinuha ni Xander ang mga gamit ko kay Valerian saka niya ako hinila papunta sa kotse niya...

23 Days With Him [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon