Chapter TEN

2.4K 75 5
                                    

Alexandra's POV

1 hour,33 minutes and 18 seconds

Ganyan na ang lumilipas pero wala pa din Alexander na dumadating sabi niya 7:30 pm, pero wala pa din siya

Parang dati wala pa sa usapan oras nandun na siya sa lugar na meet up place namin

Pero DATI na lang

"I'm sorry" ngumiti na lang ako kay Xander na kakarating lang at halata hindi naman nagmamadali kahit alam na late siya

"Okay lang" at binigyan ko na lang siya ng ngiti "Order kana, sorry makapag order na ako" umiling naman ito

"no thanks, hindi naman ako magtatagal" aniya

"So? Bakit mo gusto ako makausap?" I asked him, huminga muna ito ng malalim "I'm getting married" diretsa na sabi niya

Na nagpahinto ng oras ko

At kung may ano tumusok sa puso ko, mas masakit pa sa karayom na tinutusok sa akim kapag kinukunan ako ng dugo "N-nagbibiro ka lang diba?" Mahina na sabi ko at nagsimula na mamuo ang luha sa mata ko

Pero umiling siya

"I'm not kidding, seryoso ako sa sinabi ko" duon na pumatak ang mga luha ko na kanina pa gusto lumabas "Your so unfair, X-xander" hikbi na sabi ko

"S-sana, sana hi—" hindi na natuloy ang sasabihin ko nang mapahagulgol na ako, wala ako pake kung may tumingin man sa akin ibang costumer dito "Mahal kita Xander" aniya ko "Mahal na mahal kaya masakit sa akin na iniwan mo ako at sinaktan, pero kahit ganun kumapit ako kahit masakit" nailing na sabi ko habang umiiyak pa din

Tumayo ako at tumalikod sa kanya narinig ko tinawag niya ako ng naglakad ako palabas sa restaurant na ito

A-ayoko nitong nararamdaman ko

Hanggang sa nakauwi na ako pero wala pa din ako sa sarili ko, ang unfair talaga ng buhay mawawala na nga lang ako.. hindi pa ako magiging masaya sa love life ko

Masaya naman kami diba?

Parang nung nakaraan lang nainis at nagselos pa ako dahil sa tinignan niya na babae, na halos lumuwa na yung katawan dahil sa suot... Tapos nilambing niya pa ako at sinabi na ako lang ang mahal niya...

Pero bakit ganito ngayon?

"Ate?" Napalingon naman ako sa tumawag sa akin si Renzel "Yes? May kailangan ka" tanong ko

Umiling naman ito saka lumapit sa akin at niyakap niya ako

"wag mong dibdibin ang sakit wala ka naman dibdib masyado" hinampas ko naman siya sa likod dahil nakayakap siya sa akin "Yakap yakap ka tapos iinsultuhin mo lang ako" tumawa naman ito saka tumabi sa akin at umakbay

"I saw you and kuya Alexander at Castro's Restaurant" simula niya napayuko naman ako "At narinig ko lahat" dugtong niya

"Makakalimutan mo din siya ate, wag mo lang siya ikulong sa puso mo" payo niya "Mahina na nga puso mo,pinapasok mo pa din siya jan kahit ayaw niya kaya ka nahihirapan"

Naluha naman ako sa sinabi ng kapatid ko

"Open your eyes to see the reality, and open your heart to someone who really deserve your love and loyalty and the man who really loves you and make you the happier woman" huling sabi sa akin ng kapatid ko bago ako iwan

Tama ang kapatid ko

Pero paano ko aalisin sa puso ko si Xander kung naka glue na siya sa puso ko na mahirap nang tanggalin...

23 Days With Him [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon