gusto ko umiiyak pero hindi ko magawa, ginusto ko ito eh.. bakit ako magrerekaklmo?
makita ang taong mahal mo may kahalikan ibang babae, napakasakit na sakin
sinasaksak ako sa puso ng maraming beses, nandito ko ngayon sa Bar wala lang gusto ko lang siya sundan
"Alam mo ba kung iiyak mo lang siya jan, mas masasaktan ka" lumingon naman ako sa nagsalita si Venice my bestfriend "bakit hindi mo sinabi sakin? akala ko ba kaibigan mo ako" niyakap ko naman siya
"sorry sobrang takot lang talaga ako, at ayoko na nakikita kayo nasasaktan" sabi ko
"ano yung gusto mo ikaw yon nasasaktan?" tanong niya "mas pipiliin ko masaktan kaysa makita ko ang mga taong mahal ko na nasasaktan at umiiyak ng dahil sakin" sabi ko
"alam mo ba kung hindi lang sinabi sakin ni daddy na may sakit ka hindi ko malalaman may taning kana" nakalimutan ko, anak pala siya ni ninong Miggy
"S-sorry" paumanhin ko muli "Shhh.. wag kana umiyak makakasama sayo yan at bakit ka pumunta dito alam mo naman ang kalagayan mo masyado mausok dito' sabi at tanong niya
"Gusto ko lang makita mga ginagawa niya habang nabubuhay ako" sagot ko, at uminom ng lemon juice na order ko, buti na lang kay tito Kurt ito na bar
napabuntong hininga naman siya "Friend! sarili mo lang ang sasaktan mo, paano na lang kung ang ikamatay mo dahil sa mga nakikita mo" umiling naman ako 'mas gugustuhin ko pa yon atlis mamatay man ako siya ang huling tao na sinubaybayan ko' sabi ko, napailing naman siya
"Now I believe na Love Is Blind, pagdating sa pag-ibig mabubulag ka talaga kahit nakikita mo na" ngumiti na lang ako sa kanya ng pilit
~~~'''~~~
2 days, dalawang araw ko na muli siya nakakasama at masaya muli ako at 21 Days na lang ang natitira sakin, masaya man isipin na nakakasama ko siya pero ang lungkot pa din lalo na kapag papasok sa utak ko na hindi ko siya matagal makakasama
martyr na babae ngayon ako ang babae kasing lamig ni Elsa natunaw ng isang Alexander Carter
mahal na Mahal ko lang talaga siya kaya nga kahit desperada tignan nagmakaawa pa din ako sa kanya na makasama siya, kahit sa loob lang ng 23 days na maramdaman ko ang pagmamahal niya..
gusto ko matupad yung First and Last ko ay isang Alexander L. Carter, okay lang sakin kung hindi kami ikakasal,siguro nga dahil hindi talaga ako ang babae para sa kanya.. siguro nga dahil hanggang 23 days na lang ang pagmamahal na yon
Ang pagmamahal ko sa kanya ay hindi mapapantayan ng kahit sino, dahil kahit sarili kong kasiyahan papakawalan ko para lang kay Xander
buong pagsasama namin iniikot ko na ang mundo ko sa kanya, kahit na minsan nagkakasakitan kami..
ganun talaga kapag magmamahal ka, dapat ihanda mo na ang sarili mo dahil dadating yung point na masasaktan ka..
susubukan yung tapang mo pagdating sa pag-ibig
pinangako ko sa sarili ko noon na kapag gusto niya na pakawalan ko siya dahil hindi na siya masaya, ay papalayain ko siya kahit alam ko masasaktan ako
pero i broke that promise dahil humihingi siya ng kawalan hindi ko mabigay, maiibigay ko lang sa kanya kapag natapos na ang 21 Days ko na ngayon natitira.. minsan natatakot ako pumikit dahil natatakot ako na baka hindi na ako dumilat kinabukasan
pero you need accept na kapag oras mo na, sa ayaw man o gusto mo
ang buhay ay parang gulong lang, paikot ikot lang tayo pero kapag nabutas ito wala na
Pero wag na wag ka mag-alala Xander magiging masaya ka din at makakawala kana sakin pagtapos ng 21 days na natitira sakin ngayon..
BINABASA MO ANG
23 Days With Him [COMPLETED]
Teen FictionAlexandra R. Swift mabait,masipag,matalino,maganda at cold girl pero sa pagiging cold girl n'ya nagmamahal naman s'ya at walang iba tinitibok ng puso n'ya ay isang Alexander L. Carter umibig s'ya sa isang Playboy na lalake... Kahit alam n'ya na baba...