Cath Melendez' Point of View
"Cath... Ok lang bang iwan na muna kita dito sa ospital? bukas naman ay pu pwede ka na ma discharge sabi ng doctor. Tsaka? meron naman dito si Jared para bantayan ka.."
Paalam ni May sa akin.
"Bakit ka naman aalis? ano bang meron?"
"business as usual?" sabi nito at inirapan pa ako.
Naiintindihan ko siya. Business eh.
"di bale? may knight in shining armor ka naman. Di na kailangan ng isang dyosang gaya ko na bantayan ang cute lang na gaya mo. Charot!"
Umalis na ito at isinara ang pinto.bumuntong hininga naman ako. Napa tingin ako sa may sofa. Tulog nanaman si Jared.
Nag desisyon akong gumalaw galaw. Isinama ko ang IV ko. Nag timpla ako ng coffee.
"Hala Cath. Anong ginagawa mo? bakit ka gumagalaw. May naka kabit pa sayong IV oh. Ako na diyan. Baka ma pano ka"
Nakaka gulat talaga itong si Jared kahit kailan.
"Jared? niloloko mo ba ako? Hindi porket nasa ospital ako, di ko na kayang gawin tong mga simpleng bagay na to."
Inirapan ko ito.Agad siyang lumapit sa akin at inalalayan ako.
"I'm sorry ok? concerned lang naman ako sayo eh"
Concerned...
Umirap nalang ako. Ano pa nga bang magagawa ko? siya lang naman ang kasama ko rito eh.
"Jared. Thank you sa concern mo pero ok na ako. Kaya kong buhatin ang IV ko. Kaya kong mag lakad. Kayang kaya ko umupo. Ok na ako. Bitawan mo na ko"
Di ko na lang namalayan na lumabas na pala sa bibig ko ang mga katagang iyon na dapat ay nasa utak ko lamang.
I saw pain in his eyes. Pero di ko nalamang ito pinansin at baka guni guni ko lamang iyon..
"Cath Melendez. Sorry.. Sorry for being like this. I'm sorry for being so caring. Alam ko naman na wala nang tayo eh"
Napa tahimik na lamang ako sa sinabi niya.Inalalayan niya parin ako hanggang sa maka upo na ako sa kama.
Kahit anong pilit kong alisin ang kamay ko, ayaw niya parin itong pakawalan. Humihigpit lang ang kapit nito sa tuwing hihilain ko.
Nung sinabi niya yung nga katagang.. "wala nang tayo" parang may kung ano sa loob ko.
Hindi ko maintindihan. May naramdaman ako pero binale wala ko lamang iyon.
Ayokong ma apektuhan. Nag papa apekto lang yan para ma awa ako sa kanya.
"Pero Cath.... Wag kang mag alala. Ayaw mo man sa hindi. Hinding hindi ako mag sasawang suyuin ka. Hindi dahil sa trip ko lang na ibalik kung anong meron tayo. Kundi dahil mahal kita"
Mahal kita..
Inilapag nito ang kape na di ko na tapos timplahin kanina.
"Here is your coffee. Enjoy it. Bibili lang ako ng food mo habang nandirito ka pa."
Na pa tulala ako sa kape na nilapag niya sa table na malapit sa akin.
Narinig ko ang pag bukas at pag sara ng pinto.
Nag play back sa utak ko lahat ng sinabi niya.
Concerned..
Wala ng kami...
Mahal niya ako...