Cath Melendez's Point of View.
"kalerky naman beh! anebeyen. Bakit di mo kinaladkad si girl? " tanong ni May.
Nala buntong hininga ako.
Kinukwento ko kasi sa kanya yung nangyari kahapon..
Yung dun sa mall?
*flashback*
Nag lalakad ako sa loob ng mall, nag hahanap ako ng pu pwede kong bilhin na damit.
Kaka galing ko lang kasi sa bahay at dumiretso lang ako ng mall to stroll.Bumili ako ng pagkain at umupo sa may bench. Facing the store of tvs.
Ilang saglit pa, nangilabot ang katawan ko. Feeling ko may naka tingin sakin kaya lumingon lingon ako. Inisip ko nalamang na hindi ko naisip iyon.
pagka tapos kong kainin yung binili kong pagkain, nag desisyon akong pumasok sa sinehan.
I just wanted to unwind.
Katabi ko ko ang isang babae na bumibili ng ticket.
Medyo naasiwa lang ako kasi yung suot niya. Maikli na nga sa baba. Pati ba naman sa taas?Hindi ko nalang pinansin kasi baka mapag sabihan ko pa siya ng kung anong masama.
Pupusta ako? mag iingay yan mamaya. Halatang halata eh.
Napa smirk tuloy ako.papasok na sana ako nang parang may maaninag akong lalaki. Kamukha ni Jared pero biglang nawala sa paningin ko dahil na rin sa dami ng taong dumaraan. Lumalabas at pumapasok sa sinehan.
Umupo ako sa medyo dulo ng sinehan at laking gulat ko nang makita ko yung babaeng bumili ng ticket. Yung parang mahuhubaran na?
May kasamang lalaki. Di ko makita kung sino kasi naka talikod...
Nang humarap na siya..Nag sisi akong inalam ko pa.
Its JAREEEED!!
Parang gusto ko tuloy lumabas na ng sinehan.. Pero nag simula na yung movie.. At sayang rin ang perang ginastos ko para sa movie na ito.
"ooooomaaaaaagooooosh!" tili nung kasama ni Jared.
Gusto ko tuloy saksakan yung babae ng pop corn dahil sa ingay niya. Buong movie tili niya ang naririnig ko.
Ni hindi nga nakaka takot yung movie eh. OA niya naman.
Inunahan ko silang lumabas nang matapos yung movie.
Ayokong makita ako ni Jared. Iinisin lang ako niyan panigurado.Dumiretso ako sa loob ng grocery para bumili ng ilang stock ng pag kain. Nang pumunta ako sa may parking lot, nahulog ko pa yung susi ko. Malas naman!
napa tingin ako sa paligid. May napansin kasi akong naka tingin sa akin
gustong gusto ko nang mag mura.Bakit hanggang sa parking lot meron pa siya??
" Jared?" I acted like I didn't saw him inside the mall.
I hate this."anong ginagawa mo dito?" he asked.
Isn't it obvious idiot?
I faked a smile.
![](https://img.wattpad.com/cover/112523558-288-k199310.jpg)