CHAPTER ELEVEN

4.1K 87 0
                                    

  






                      nakatitig silang dalawa sa matanda hangbang nagkukwento ito.nang mapadako sya sa pambisig na orasan, nanlaki ang mata.. alas diyes na ng gabi..

"fuck!!"

nagulat at napakunot noo ang matanda at ang kasama nitong imbistigador..

"fuck!! shit!!!"

nawala sa isip nya na may dinner date sila ni cara

"sir?" tanong ni marquez sa kanya

"fuck! marquez! we have to go!" sigaw nya kay marquez.

"pero sir" lumabas si vaughn ng barong barong at nagmadaling sumakay sa sasakyan..

"pasensya na po mang boyong mukang may nakalimutan gawin si mr.rogue. babalik na lang po kami sa makalawa. pasensya na po talaga." hinging paumanhin ni marquez sa matanda. tumango lamang ito..

halos paliparin ni vaughn ang sasakyan, sa dami ng makakalimutan nya ang first date pa nila ni cara.. naiinis sya sa sarili kung bakit mas inuna nya ang matandang yun kesa kay cara..

alas dos na nang madaling araw ng makarating si Vaughn sa condo nya. sigurado syang nanduon na si cara hindi sya dumaan sa opisina nito. tumakbo sya papunta sa unit nya ng makalabas sya sa elevator. agad na pumasok sya at dumiretsyo sa kwarto. inaasahan nya na nasa terrace pa ang dalaga kahit madaling araw na...

hindi nga sya nagkamali. nadoon si cara nakaupo ito, ang mga braso nito ay nakapatong sa mesa at nakapatong duon ang ulo nito at mahimbing na natutulog. hinala nya ay hinihintay sya nito dito. tinalon nya ang terrace ng walang ingay. nilapitan nya ang dalaga , hinawi sya ang takas na buhok na humaharang sa maganda nitong muka at tinitigan...

"im sorry my Cara"

bulong nya sa gitna ng pag tulog nito. dahan dahan na binuhat nya ito, pinasok nya sa loob ng kwarto nito at maingat na inilapag sa kama, iniiwasan nyang magising ito. napansin nya ang munting luha nito na natuyo.. nagagalit sya sa sarili sa kaalaman na umiyak ito, at sigurado syang sya ang dahilan ng luha nito...

napadako muli ang paningin nya sa litrato nito kasama ang ina na nakapatong sa side table. may nakita syang kakaiba dito...

----

kinabukasan. medyo maga ang mata ni cara, maaga itong nagising, alas singko pa lang ng umaga, tumayo sya at dumiretsyo sa banyo upang maghilamos.

habang naghihilamos,tumingin sya sa salamin. at napakunot noo,,

"wait ang alam ko sa terrace ako nakatulog" tanong nya sa sarili sa harap ng salamin.. namilog ang mga mata nya..

"posible ba na dumating si Vaughn kagabi at binuhat ako?? oh my god!!"

  lumabas sya ng banyo nag soot ng roba at nagtumgong terrace, pero wala syang nakitang tao sa kabilang teresa. malungkot na bumalik sya sa loob.at bumuntong hininga..

"hay di man lang ako ginising, di man lang nagpaliwag kung bakit di sya dumating kagabi." 

lumabas sya ng kwarto upang magtungo sa kusina, nasa hagdanan pa lang sya naamoy na nya ang bango ng niluluto ng kung sino man ang nasa kusina nya..

"oh ang aga naman ni rio, siguro balak nya akong surpresahin" sabi nya sa sarili.

nang makarating sya sa kusina, natakpan nya ang bibig, nang makita ang isang matipunong lalaki , nakasando lang ito,nakasuot ng apron nyang hellow Kitty nakatalikod ito sa kanya, naghahalo ng niluluto nito, kitang kita nya kung paano mag flex ang mga muscle nito. busog na busog na sya sa nakikita nya. umayos syang tayo at tumikhim.

CARA  (COMPLETED)Where stories live. Discover now