nasa isang masukal na lugar ako ngayon, maraming puno, damo, ang hinala ko ay na isang gubat ako at takot na takot sino ba naman ang hindi,matatakot? madilim, at tanging liwanag lang na nanggagaling buwan ang nag sisilbing ilaw ko. ingay lang ng mga insekto sa paligid ang tanging naririnig ko, at nabibingi akong marinig ang mga yon..
wala akong maisip na gawin kundi maupo lamang sa may kalakihan na puno. at umiyak ng umiyak
sobrang pagod na pagod na ako. hindi ko alam kung ilang oras akong tumakbo para makalayo sa mga taong yon. ano ba talagang nangyayari?
ganon na lamang ang pag tindig ng mga balahibo ko sa katawan ng may marinig akong kaluskos. hindi ko napigilan ang pag hikbi sa sobrang takot, nang may marinig akong nagsalita.