CHAPTER TWENTY ONE

3.5K 76 5
                                    





nag aabang lang si greig sa labas ng restaurant kung saan naguusap si Vaughn at cara, ngayon ang alis ni cara papuntang u.s at si Grieg ang maghahatid sa kanya sa air port, nandoon na ang pamilya sombrano at ang ama ni cara, sila na lang hinihintay... nang matanaw nyang palabas na si cara ay sinalubong na nya ito para alalayan, inabot nito ang face mask kay cara at pinasoot. hinawakan nya si cara sa siko at naglakad papuntang sasakyan nito. pinagbuksan nya ng pinto ng sasakyan si cara, nang makapasok si cara sinara nya ang pinto at umikot upang sumakay sa driver's seat..

nakatingin lang si cara sa labas mula sa bintana ng kotse. tahimik na pinagmamasdan nya ang paligid na dinadaanan nya.

paano kung hindi ko na ulit makita ang mga bagay na to? napakatinding pagsubok naman ang binigay nyo sakin. pero pangako ko lalaban ako hanggat kaya ko, alam kong may dahilan kayo kung bakit nyo ito binigay sakin.

"dont think to much cara, kaya ni Vaughn yun, matatag sya"

agaw ng atensyon ni greig kay cara, ngunitian nya si greig at bumaling ulit sa bintana..

----

iniwan nya ko ng ganun, ganun lang? tanong ni Vaughn sa sarili na nakaupo parin kung san sya iniwan ni cara.. hindi ako papayag cara, hindi ganun kadali yun, sigurado akong may ibang dahilan ka kung bakit mo to ginagawa sakin.. muling sabi nya sa isip. kinuyom nya ang palad, at tumayo para sundan si cara. natanaw pa nya ito sa pinto. akmang tatakbuhin nya ang distansya nila, pero nakita nya si greig na sinalubong ito sa labas, ang kaninang mata nya na lumuluha ay dumilim. nag tagis ang bagang nya..kitang kita nya kung paano alalayan ni greig si cara, sinundan nya ng tingin ang mga ito. hanggang makasakay ng kotse. lumabas sya at tinanaw ang kotseng sinakyan ni cara habang papalayo ito..

nasa bar si Vaughn at nagpapakalasing, buti na lang at kilala sila sa bar, kayat tinawagan ang mga kaibigan nya para puntahan ito.

"man, akala ko ba nagkita na kayo ni cara? bakit naglalasing ka? is that a celebration?" tanong ni austin, na kakarating lamg kasama si thom, nilingon nya ito, pero agad din bumalik ang tingin sa basong hawak na may lamang alak.tumayo si Vaughn at iniwan ang mga kaibigan. pasuray suray na naglalakad sya papuntang parking lot, sinundan naman sya ng mga kaibigan nya. tinapik sya ni austin sa balikat ng maabutan sya.

"leave me alone" sambit nya.

"no man lasing ka, tapos Magda drive ka are you crazy!" napasigaw si austin

"yeah! im crazy! ano bang paki alam mo! umalis ka na nga!!" nagtagis ang bagang ni austin at pilit syang hinarap, inawat sya ni thom,

"gago ka pala e! kami na nga tong nagmamalasakit sayo,! kami pa tong pinapaalis mo!" ganting sigaw ni Austin, tumaas ang sulok ng bibig ni Vaughn

"bakit!? sinabi ko bang puntahan nyo ko dito!!" sumumsob si Vaughn sa semento, sa pagsuntok sa kanya ni thom. nilingon nya ito. at pinunasan ang dugo sa gilid ng bibig..

"fuck you thom!!" ang dami nang nanonood sa kanila.

"umuwi ka mag isa mo Vaughn! wag na wag mo kaming hahanapin o tatawagan, bahala ka sa buhay mo! hindi ka na namin pakekelaman!!" sigaw ni thom, likuran sya ng mga kaibigan at nagsimulang maglakad palayo..

"fuck you both!!" sigaw nya habang tumatayo..

----

nakalapag na ang eroplanong sinasakyan ni cara, kasama ang ama , ang tita ryalyn nya kasama ang isa sa kambal na si rio. sa hospital na sila dumetsyo pagdating nila doon..

tila lalong lumalala ang kondisyon ni cara, mula sa masigla,masiyahin, pala ngiting cara ay heto na sya ngayon, sobrang payat, sobrang putla, malalalim na mata, walang buhok, at hindi makalakad.. malaki ang ipinag bago nya makalipas lamang ng limang buwan.. nag ke chemotherapy sya dito sa Singapore, isang bwan lang ang inilagi nila sa hospital na pinagdalhan sa kanya. nirefer sya ng doctor nya sa Singapore dahil doon daw ginagamot ang mga may sakit na katulad ng sa kanya.. hirap na hirap na sya minsan ay naiisip nya na sumuko na dahil sa hirap na nararanasan. naranasan nyang sumakit ang mga kalamnan nya, ng mga buto nya, na para bang pinapatay sya ng unti unti. kapag naman nag ke chemo sya. ang kalahati ng katawan nya ay nasa hukay. pero madalas din sumagi sa isip nya na kailangan nyang lumaban para sa mga taong nagmamahal at minamahal nya..

noong nakaraang linggo ay dinalaw sya ni greig. hiniling nya dito wag sasambitin o ikukwento si Vaughn sa kanya. ayaw nyang isipin gaano si Vaughn, kahit na kailan man ay hindi ito nawala sa isip nya. mas okay na ang alam nya, simula ng iwan nya ito. ayaw nyang malaman ang nangyayari dito, para hindi sya gaanong maistress. nalaman nya na may relasyon si greig at rio. matagal na nya yon napapansin.pero gusto nya na sila mismo ang magsabi sa kanya. si greig ang nagbantay sa kanya ng mahigit dalawang linggo.

alam ni greig ang nangyayari kay cara ang paghihirap nito, alam nya rin ang nangyayari kay Vaughn, pero hindi na sila naguusap simula ng umalis si cara, galit si Vaughn sa kanya sa di nya malamang dahilan. naging close sila ni cara. napamahal na rin sya kay cara, naawa sya sa dalaga, bukod sa sakit nito, alam nyang nasasaktan pa din ito hanggang ngayon dahil sa hiwalayan nila ni Vaughn..

---

simula ng umalis si cara, naging miserable ang buhay nya, laging lasing, gabi gabing may inuuwing ibat ibang babae, hindi na sya pumapasok sa trabaho, minsan nga ay hindi sya naliligo. humaba na rin ang balbas at bigote nya.,wala na syang cara, wala pa syang mga kaibigan. sinisisi nya parin ang sarili nya sa nangyayari sa kanya ngayon. limang buwan na ang lumipas, hanggang ngayon ay dala dala nya ang sakit, minsan ay umiiyak syang magisa. para na syang baliw na nagsasalita mag isa. kinokontak sya ng ama nya pero palagi nya itong binababaan ng telepono. yung condo ni cara ay pinilit nyang bilhin. doon sya nanalagi o nakatira. wala syang ginalaw sa mga yon. palagi din nyang pinapalinis yon. ang mga gamit ni cara ay nandoon parin, nagdagdag lang sya ng iilang gamit nya..

pababa sya ng hagdan, patungo sya sa kusina, dahil nauuhaw sya, pero may narinig syang nagtatawanan. na nagmumula mismo kung saan ang destinasyon nya.. nakita nya ang mga kaibigan, si thom na nakatalikod at nagluluto, si austin na maghuhugas ng pinggan, si greig na inaayos ang pinamiling groceries sa cupboard nya.

tumikhim sya upang kunin ang ayensyon ng mga kaibigan nya. "oh man! gising ka na pala, wait ka lang dyan ah maluluto na ang breakfast" masiglang sabi ni thom sa kanya, dumiretsyo sya sa ref para umuha ng tubig. matapos nyang makainom. ay hinarap nya ang mga ito na diretsyo lang sa kani kanilang ginagawa.

"anong ginagawa nyo dito?" mahinahon pero malamig nyang tanong.

"come on man! hindi mo ba kami namiss?" tanong din sa kanya ni austin

"Vaughn" sambit ni thom na tapos na sa niluluto nya.

"sorry kung ngayon lang kami, man, miss ka na namin, sorry kung wala kami para damayan ka, pero sapat na siguro ang limang bwan para turuan ka ng leksyon" paliwanag ni thom.

"hindi ka namin matitiis man" sambit naman ni greig. nagdilim ang mata nyang tinignan si greig.

"where's cara?" direktang tanong nya kay greig.. napakunot ang tatlo sa tanong nya

"in u.s?" patanong na sagot ni greig.

"yeah right" bumuntong hininga sya at tinanggal ang galit sa dibdib nya. at muling hinarap ang mga ito.

"i also miss you guys, am i welcome to the group? again?" isa isa itong naglapitan sa kanya ang nag fist bom..

"you're always welcome man!" masayang sambit ni austin..

nag desisyon si Vaughn na bumalik sa dati nyang buhay, pero mas lalo itong lumalala. kung dati ay kahit papaano ay ngumingiti ito, ngayon ay hindi na talaga, ang dating malamig na pakikitungo ay naging yelo na. gusto man nyang hanapin si cara ay hindi nya ginawa, nakaramdam sya ng galit sa dalaga dahil sa pagiwan nito sa kanya. dahil hindi man lang nito inisip ang mararamdaman nya. na hanggang ngayon ay dala nya ang sakit. pinangako nya sa sarili na oras na magkita silang muli. ay ipararamdam nya dito anu man ang mga naranasan nyang paghihirap, mula ng iwan sya nito.

#leiane

....

CARA  (COMPLETED)Where stories live. Discover now