umiiyak si cara, sa tindi ng sakit na nararamdaman nya, namimilipit sya sa sobrang sakit, habang ang ama nya ay yakap sya at tila pinalalakas ang loob ng anak na labanan ang sakit nito.
awang awa si alexander sa anak sa sinasapit nito. hiniling nya na sana sya na lang ang nagkasakit ng ganon. tutal ay sya ang maraming kasalanan, dapat sya ang nagdudusa at hindi ang anak, na walang ginawa kung di kabutihan, pero naisip nya rin na, ito ang parusa sa kanya sa mga nagawa nya noon, ang pahirapan ang mga mahal nya buhay, dahil yun ang kahinaan nya.nasasaktan syang makitang hirap na hirap ang anak, wala syang magawa, dahil isa lamang din syang mortal na nabubuhay sa mundo, hindi sya dyos upang tanggalin ang karamdaman ng anak, pero nakikita nya sa anak, ang pag asa na gumaling ito, kitang kita nya na lumalaban ito sa sariling karamdaman. hanga sya sa kanyang anak, dahil kung sya yon ay matagal na syang sumuko, hindi sya ganung kasing tatag ng kanyang anak, alam nyang sa ina nito ito nagmana, at nagpapasalamat sya doon, dahil ito ang naging ina ng anak nya..
lord Jesus Christ, please heal my daughter, take away all the pain, and please give her more strength..
dasal nya habang yakap ang anak na umiiyak.
------
mainit ang ulo ni vaugh, kakatapos lang ng board meeting.
"why are they so danm demanding!" sigaw nya ng makapasok ng opisina.
"mainit na naman ang ulo mo" napalingon sya sa nagsalita, at doon natagpuan nya ang best friend nya na prenteng naka upo sa sofa, naka de kwatro ito habang may hawak na isang tasa ng kape. hindi nya ito pinansin at naupo sa swivel chair nya at nag umpisang magbasa ng mga kailangan nyang i review,
"why are you here?" pagka ano'y tanong nya, lumapit si thom sa kanya at naupo.
"Vaughn, man hindi mo ba hahanapin si cara?" tanong ni thom
"what for?" balik na tanong nya kay thom na di man lang dinapuan ng tingin, tuloy pa rin sya sa pagbabasa. napa iling iling lang si thom
"man, i know you still love cara, why dont you find her?" this time Vaughn look at him
"umalis sya kahit ayaw ko, nakipag hiwalay sya kahit ayaw ko, bakit ko pa hahanapin ang taong iniwan ako, umalis sya pwes bumalik sya kung kailan nya gusto, wala na akong paki alam" madidiing salita na sagot nya kay thom. ang totoo ay may alam si thom. gusto nyang sabihin na sa kaibigan ang totoo, pero sarado pa ang isip nito...
alam ni thom kung nasaan si cara, at kung ano ang matindi nito pinagdadaanan ngayon. kay greig nya nalaman ang totoo, ng minsan maiwan ni Greig ang telepono nito sa kotse nya,. nakita nyang may tumatawag doon, ang akala nya'y si greig yun para alamin kung nasaan ang cellphone na naiwan, kaya't sinagot nya ang tawag, hindi pa sya nakakapagsalita ng sumagot agad ang kabilang linya at si rio yon. "babe, im so worried, cara is in so much pain right now, kakatapos lang ng chemotherapy nya." pinatay nya agad ang telepono, hindi nya maintindihan pero nakaramdam sya ng matinding kaba..
nagpunta si thom sa condo ni greig matapos marinig ang sinabi ni rio sa telepono. gusto nyang malaman ang totoo, na kung alam ba ni greig kung nasaan si cara.
nasa tapat na sya ng pinto ng unit ni greig, nag doorbell sya, ilang sandali lang ay bumukas iyon, napakunot noo naman si greig ng makita si thom,