nasa hall way ng hospital sila ngayon, ginagamot na rin ngayon si jasper. walang tigil sa paglalakad si Vaughn paroot parito sya, dumating ang kanyang ama, kasabay ni reynaldo at ang buong pamilya.
"kamusta si cara?" tanong ni ryalyn
"hindi pa po lumalabas ang doctor." sagot ni Vaughn
"anak" sambit ng kanyang ama
"dad" tinapik sya nito sa balikat
"she's going to be fine son" tumangon lang si Vaughn sa ama.
"man, uminom ka muna" si austin na may dalang tubig, inabot sa kanya ito na tinanggap naman nya. hindi nya yun ininom. tinitigan lang nya ito.
"nasan ang daddy ni cara?" tanong ni Vaughn na medyo kumalma na
"hawak sya ng mga pulis ngayon man, yung pulis naman na nag paputok inaayos na ngayon ni marquez" sabi ni greig na nakaupo sa tabi nya. naikuyom naman nya ang palad nya ng marinig ang pulis na nakatama kay cara. maya maya pa ay may lumabas sa operating room, humahangos ito na lumabas, napatayo naman silang mga nakaupo at napalapit ang mga nakatayo.
"miss! miss" tawag ni Vaughn sa nurse na lumabas na nagmamadali, pero hindi ito huminto kayat sinundan nya.
"miss kamusta si cara sa loob!?" habol nya sa nurse "nilingon naman sya nito pero hindi pa rin huminto
"pasensya na po sir.nagmamadali po ako, delikado po ang lagay ng pasyente sa loob" napahinto si Vaughn sa pagsunod sa nurse. napaluhod sya at isa isang nagbagsakan ang mga luha, hinawakan sya sa balikat ng kanya ama
"son" tawag nito
"ahhh!!! hindi!!!!" sigaw nya tumayo sya at nag simulang magwala pinag sisipa nya ang upuan na nanduon.
"fuck! fuck! fuck!"
habang inaawat sya ng mgankaibigan nya. sinuntok nya ng malakas ang pader. nakaramdam sya ng sakit pero balewala yon, nagwawala pa rin sya habang ang kambal ay umiiyak katabi ang ina nila na umiiyak din.
"son! listen to me, maililigtas nila si cara, magagaling ang mga doktor dito! stop that!" sabi ng kanyang ama na inaawat din sya.
nagulat silang lahat na makita si vaughn na tumilapon sa sahig, dahilan para mapatili si rio at ria at napatakip sa bibig. sinuntok sya ni jasper na nagamot na dahil daplis lang naman ang tama nito.
"sa tingin mo makakatulong yang ginagawa mong pagwawala!" duro sa kanya ni jasper..
"walang magagawa yang pagwawala mo! maililigtas ba nyan si cara ha! sigaw nito at napahawak sa sugat nya na biglang kumirot
" anak tama na" awat ng ama ni jasper sa kanya..
"tay, hindi sya nakakatulong e!" sagot nya sa ama
"anak intindihin mo na lang sya" pakiusap ng ama nito, bumuntong hininga lang si jasper at naupo sa waiting area.. tinulungan naman ng mga kaibigan ni Vaughn na makatayo sya.
"who are you!?" tanong ni Vaughn kay jasper, ngunit hindi nito ito sinagot, ang ama nito na lang sumagot
"ah hijo kababata sya ni mam cara sya si jasper anak ko, ako naman si mang George dating driver nila mam cara" paliwanag ni mang George dito. hindi naman magsalita si Vaughn iniisip nya parin si cara sa loob ..
"alam mo hijo, sa mga ganitong sitwasyon kilala natin kung kanino hihingi ng tulong" litanya ni mang George napalingon naman sya dito
"minsan nakakalimutan natin sya, pero sya hindi nya tayo nakakalimutan, subukan mong tumawag sa kanya, hindi naman agad-agad pero nasisiguro na tutugunin nya ang tulong na gusto mo, pero kung may mangyari na wag naman sana, may dahilan sya kung bakit nya yun ginawa," nakatitig pa rin sya dito. ni walang letra ang lumabas sa bibig nya