nagpapahinga si cara sa kwarto nya.. isang buwan na ang nakalipas ng mangyari ang insidente. masaya sya na nakalabas na ang ama sa kulungan, nagpapasalamat sya kay Vaughn na inasikaso ito, kahit na ang daddy nya ang pumatay sa mommy ni Vaughn, ay hindi ito nag atubiling tulungan sya, o ang ama nya.
isang buwan na rin syang litong lito sa sitwasyon nila ni Vaughn, halos sa bahay nya na ito tumira. sobrang asikaso nito sa kanya. naaalala nya pa nung unang linggo nang makalabas sya ng hospital, halos di sya lumabas ng silid dahil ayaw syang pakilusin ni Vaughn, pati pag punta nya ng banyo ay binubuhat sya nito. di nya maiwasan pamulahan ng mukha ng maalala yun.. gusto nya mang tanungin ulit ito ng tungkol sa kanila ay natatakot sya dahil, nung unang beses syang magtanong ay nasaktan sya ng ibahin nito ang usapan...
sya lang magisa ngayon sa condo nya dahil bumalik na si Vaughn sa trabaho,pinilit nya ito na bumalik sa trabaho dahil kaya naman na nyang magisa, ayaw pa nga nito pumayag dahil wala daw syang kasama sa huli napilit nya ito. kaya ito sya ngayon mag isa lang sa sala at nanonood ng tv, wala naman syang magustuhang palabas kaya pinatay nya na lamg at pumunta ng kusina. naisip nya na magluto na lang tutal ay hapon na, para may hapunan sila mamaya.
naghihiwa sya ng mga gagamiting sangkap sa lulutuin nya nang tumunog ang doorbell, binitiwan nya ang kutsilyo at naghugas ng kamay, pumunta sya sa pinto at binuksan ito.
"cacar!!" sigaw ng kaibigan nya na kinagulat nya
"peper!!" sigaw din nya at niyakap ito.
"cacar di ako makahinga" tila hirap na sabi ni jasper
"hehe sorry" sabi ni cara na bumitaw sa pagkakayakap
"tuloy ka, napadalaw ka? namiss mo ako noh? yie!" nanunudyong sabi ni cara na sinusundot sundot pa ang tagiliran ng binata na may malakas palang kiliti doon.
"cara tama na hahaha!" sabi nito habang tawa ng tawa..
"hahaha yie namiss mo ako noh!? aminin ko na kung di, hindi kita titigilan!" tawa rin ng tawang sabi ni cara na pinapaamin ang binata na hindi makapag salita sa kakatawa.
"hahaha...ahahaha"
naghabulan sila sa sala, na animo'y mga bata na naglalaro ng taya tayaan..
lingid sa kaalaman nila ay hindi nila naisara ang pinto. apat na mata ang nakamasid sa kanila, hindi nila iyon napansin, dahil abala sila sa pagtakbo upang hindi madakip ang isat-isa.
nanlilisig ang mata ni Vaughn habang pinag mamasdan si cara at jasper na masayang naghahabulan. at nang gigigil sya ng hindi man lang sila nito napapansin.
"patients man" bulong ni thom sa kanya.
balak na ni Vaughn na kunin ang atensyon ng dalawa nang matisod si cara sa sofa, mabilis itong nasalo ni jasper, na ipinulupot ang kamay at braso sa bewang nito dahilan para mapasubsob si cara sa matigas nitong dibdib, ang kamay naman ni cara ay nakahawak sa dibdib nito upang may distansya sila...
"nice view"
napalingon sila sa pinang galingan ng boses, namilog ang mata ni cara at mabilis na kumalas kay jasper, madilim na nakatingin sa kanila si Vaughn habang hawak ng mga kaibigan nito sa braso't balikat na nakahandang pigilan kung sakaling may gawin si Vaughn..
"get off"
malamig nitong sabi sa mga kaibigan, na ang tingin ay diretsyo kay cara.
"man" sabi ni greig
"i said! get the fuck off your fucking hands on me!!" sigaw ni vaughn, sabay talikod nito at umalis.
"Vaughn!" tawag ni cara at akmang susundan.