Riye's POV
Nagmamadali akong tumakbo papunta sa gym. Late na natapos ang huling klase ko. Nakakahiya naman malate. Ako ang president at ako dapat ang nauuna doon.
Pagdating ko dun ay wala pa namang tao. Buti na lang. Dumiretso ako sa cr para magpalit ng pangsayaw saka bumalik sa bleachers para hintayin ang iba pang members.
Nang makarating ako sa bleachers ay si Samuel palang ang nandoon. Awkward. Hindi ko alam kung tutuloy ako. Kapag tumuloy ako dapat ba batiin ko siya o deadma lang? Babalik na dapat ako sa cr ng tawagin niya ako.
"Riye!" Tawag sa akin ni Samuel.
"Bakit?" Sagot ko naman sa kanya.
"Pinapasabi nga pala nila Taehyun hyung na baka malate daw sila nagextend daw kasi yung prof nila. Tinext ka daw niya kaso hindi ka nagrereply." Paliwanag niya.
"Ah ganun ba? Hindi ko pa nachecheck phone ko dumiretso na ako dito. Salamat." Sabi ko sa kanya at dumiretso sa bag ko para magcheck ng messages.
From: Noh Taehyun
Hi Ms. Pres! Baka malate kami nila Ong, daming sinasabi ng prof namin eh. Btw enjoy niyo moments niyo ni samuel😉
From: RomeONG
Uy wag mo susungitan si Samuel ha pinasabi namin sa kanya na malelate kami.
From: DAliet
Mauna na kayo magpractice ni samuel yiii 💖
To: Noh Taehyun
Sinabi na nga sakin ni Samuel.
To: RomeONG
Kelan ako nagsungit?
To: DAliet
Oo na. Bat may puso pa yan? Sumbong kita kay Ong eh.
From: RomeONG
Ngayon, ayan o sinusungitan mo ako. Pakabait ka💖
Kumunot ang noo ko sa pagbabasa. Qaqo tong mga to ah. Sila ata hindi naka move on eh. Bakit ba kasi ayaw pa nilang kalimutan yun.
"Uhm. Riye okay ka lang?" Tanong niya sabay kalabit sa akin.
"Okay lang. Bakit?" Sagot ko saka pilit na ngumiti.
"Can we talk?" Seryosong sabi niya.
