Riye's POV
Rise and Shine! Ang ganda ata ng gising ko, for the first time nauna ako sa alarm ko. Bumangon na ako at pakanta kanta pang bumaba para kumain ng breakfast.
"Psst! Anong nakain mo, bat ang saya saya mo ata?" Puna ni Kuya Hoshi.
"Shhh. Minsan lang to kuya, di nga pala ako sasabay sayo. Mauna ka na." Sabi ko sa kanya ng nakangiti.
"Luh, bahala ka nga." Sabi ni Kuya at kumain na.
Pagkatapos kumain, naligo na ako at nagprepare. Kahit hindi talaga ako naglilipstick, ginamit ko yung regalo sakin ni Miru nung birthday ko.
5:45 palang nakaready na ako. Riye naman, napapaghalataan ka masyado. Dapat lowkey lang.
"Riye, mauuna na ako." Sabi ni Kuya na nakasilip sa pinto ng kwarto ko.
"Sige kuya." Sagot ko naman.
"May naghihintay nga pala sayo dun sa baba. Justin daw." Sabi niya sakin at sinamaan ako ng tingin. Di niya kasi kilala si Justin, di katulad nila Ong, Daniel at Taehyun na laging nandito sa bahay kapag walang pasok. Bumaba na ako at nakita ko si Justin sa may sala.
"Uy ang aga mo ah. Kumain ka na ba?" Sabi ko kay Justin.
"Oo, ano tara na?" Aya niya sakin.
"Sige." Sagot ko at lumabas na kami ng bahay. Kinuha niya sakin yung books ko, siya na daw magdadala. Kahit kuhanin ko ayaw niyang ibigay sa akin.
"Riye." Tawag sakin ni Justin.
"Bakit?" Tanong ko at lumingon sa side niya.
"May lagpas ka atang lipstick." Sabi niya sakin.
"Ha?" Sabi ko.
"Teka tatanggalin ko." Sabi niya at ginamit yung thumb niya para alisin yung lumampas na lipstick. Lumakas naman yung kabog ng dibdib ko. Ano ba yan Justin, bakit ka ganyan. Sobrang lapit pa ng mukha niya sa mukha ko kasi inaalis niya yung lumagpas na lipstick.
"Ayan okay na." Sabi niya ng nakangiti.
"Salamat ah." Sabi ko sa kanya.
"Wala yun, teka di ka naman nag gaganyan dati ah?" Sabi niya. Hala napansin niya ba?
"Pano mo naman nalaman?" Sabi ko sa kanya.
"Napansin ko lang, kulay pink kasi yung lips mo pero ngayon naging mapula." Sabi niya sakin. Nahiya naman ako kaya tumingin ulit ako sa harap.
"Wag ka na mahiya hahahaha, bagay naman sayo eh." Sabi niya sakin at ngumiti.
Nakarating naman kami sa bus stop, buti nalang at saglit lang kami naghintay at may dumating agad na bus. Nauna siyang umakyat at inalalayan akong umakyat. Justin stop, pag ako umasa ng todo.
"Saan mo gustong umupo, sa tabi ng bintana o sa aisle?" Tanong niya sakin.
"Sa may bintana nalang." Sagot ko naman. Kaya pinaupo niya ako sa may tabi ng bintana, kaso nung paupo na siya biglang umandar yung bus kaya medyo nadikit siya sakin.
"Sorry sorry." Sabi niya sakin at umayos ng upo.
"Okay lang." Sabi ko sa kanya.
Nagkwentuhan kami habang nasa bus, tapos nakarating na kami sa bus stop malapit sa school at bumaba na kami. Nauna naman siyang bumaba sa akin at inoffer niya yung kamay niya para alalayan akong bumaba ng bus.
Sabay din kaming pumasok ng school, at ayaw niya paring ibigay sakin yung books ko. Hinatid niya ako sa room saka niya lang binigay sakin yung books ko.
"Salamat." Sabi ko sa kanya.
"Wala yun." Sabi niya at ngumiti.
"Sige pasok na ako, babye." Sabi ko sa kanya.
"Babye!" Sabi niya at kumaway nago umalis.
"AHEM!" Sabi ni Miru sakin pagdating ko sa upuan ko.