Riye's POV
Ngayon na ang araw ng auditions, sana may makapasa sa kanila, syempre kahit medyo madami na kami, kailangan pa din namin ng ibang members. All set na lahat. Performance na lang ng mga aspiring members ang kulang.
"Kumpleto na ba tayo?" Tanong ko sa members.
"Para sure, kahit mukhang preso, head count." Sabi ni Taehyun.
"One!" Bilang ko.
"Two!" Bilang ni Taehyun.
"Three!" Sigaw ni Ong.
"Four!" Bilang ni Daniel.
"Five!" Bilang ni Taedong.
"Six!" Bilang ni Donghan.
"Seven!" Bilang ni Eunki.
"Eight!" Bilang ni Somi.
"Nine!" Bilang ni Doyeon.
"Ten!" Bilang ni Woojin.
"Eleven!" Bilang ni Samuel.
"Twelve!" Bilang ni Haknyeon.
"Okay kumpleto na tayo. Ready na ba kayo mameet ang mga posibleng bagong members natin?" Tanong ko sa kanila."Ready na!" Sagot nilang lahat.
"Sige magoopen na tayo para makapasok na ang mga mago-audution. Somi, Taedong and Eunki sa entrance para sa signing up ng mga mago-audition. Doyeon, Donghan and Haknyeon kayo ang magdidistribute ng stickers na magiindicate ng numbers nila. Samuel and Woojin sa sound booth. Kaming apat nila Taehyun, Seongwoo at Daniel ang mag jajudge ng makakapasok sa team." Paliwanag ko.
"All set! Lapit na kayong lahat para sa cheer natin." Sabi ni Taehyun.
"Fear the sting!" Sabay sabay naming sigaw at nagstart na sa audition.
Tinapos muna namin lahat ng signing up at pagdidistribute ng numbers para makapagperform na kami.
"Good Afternoon everyone! I am Kwon Riye the President of Alakdan Org. I am grateful to see everyone of you who wants to be a part of our group. To start we prepared a performance for you." Pagumpisa ko. Nagpunta na kaming lahat sa stage para sa performance namin.
Palakpakan ang maririnig sa buong gym pagkatapos ng performance namin. Naiwan ako sa stage para magsalita pa ng kaunti bago umpisahan ang auditions.
"Did you enjoy our performance?" Tanong ko sa audience
"Yes!" Sigaw naman nila.
"Are you ready to show your talents to us?" Tanong ko ulit
"Yes!" Sagot naman nila.
"Then, It's Showtime" Sabi ko at bumalik na sa pwesto ng mga judge.