41

40 1 0
                                    

Riye's POV

Maagang nag dismiss yung prof namin para sa huling subject kaya maaga rin akong nakapunta sa gym. Nagpalit na agad ako ng damit at inumpisahan na irefresh yung steps na sasayawin. Since maraming bagong members, kailangan ko palang bagalan muna ang pagtuturo ng steps. Syempre hindi pa naman sila sanay sa akin. Hindi tulad nung mga dati nang members saglit lang nakukuha agad nila yung steps.

"Hi Ms. Pres!" Sabay sabay na bati sa akin ng magkakaibigan na Yoojung, Somi at Doyeon.

"Hello! Tapos na klase niyo?" Bati ko rin sa kanila.

"Opo." Sagot naman sakin ni Somi.

"O sige sige magpalit na kayo ng damit." Sabi ko at nagpaalam na silang magbibihis.

"RIYEEEE!" Malakas na tawag sakin ni Ong, kasama si Daniel at Taehyun.

"Nandito ako. Bakit?" Tanong ko naman.

"Saan daw Daniel?" Tanong ng Ong kay Daniel.

"Di ko rin alam eh. Riyeeeee!" Tawag din ni Daniel sa akin.

"Nandun si Riye." Sabi ni Taehyun at tinuro ako.

"Uy may nagsasalita ba?" Tanong ni Daniel.

"Hala nawala na rin si Taehyun. Taehyunnn!" Pang aasar ni Ong. Binatukan naman siya ni Taehyun at lumapit sila sakin.

"Uy Riye nandito ka pala." Sabi ni Daniel.

"Oo mga bwisit. Mag palit na nga kayo ng damit." Sabi ko sa kanila.

"HELLO MS. PRES!" Hyper na bati ni Donghan, Taedong at Eunki ngumiti at kinawayan ko naman sila.

"Bihis na kayo para makapag start na tayo." Sabi ko naman sa kanila.

"Ms. Pres nandito na kami." Masiglang sabi ni Haknyeon kasama si Woojin at Samuel.

"Hello! Sige pasok na kayo tapos magpalit na agad ng damit." Sagot ko naman. May kumatok naman sa pinto at sumilip si Jihoon at Hwanwoong.

"Uy nandiyan na pala kayo, tara pasok." Aya ko at sumunod naman sila.

"Ano pong gagawin namin Ms. Pres?" Tanong ni Jihoon.

"Palit muna kayo ng damit tapos balik kayo dito sa bleachers." Sabi ko.

"Sige po." Sagot naman ni Hwanwoong at nagbihis na sila. Unti unti namang nakabalik yung mga pinagpalit ko ng damit at nagsstretching na sila.

"Ms. Pres sorry po late kami." Hinihingal na sabi ni Hyeongseob habang hila hila si Justin at Jeong Jeong.

"Sige okay lang bihis na kayo." Sabi ko naman sa kanila. Hinila ulit sila ni Hyeongseob at nakita ko naman si Justin na nakatingin sakin habang hinihila ni Hyeongseob kaya sinenyasan ko siya na magbihis na siya.

"Kumpleto na ba tayo?" Tanong ko sa kanila?

"Kumpleto na Ms. Pres." Sagot naman sakin ni Taehyun.

"Okay sige start na tayo." Sabi ko. Tinuro ko muna kung saan saan sila pupwesto. Tapos tinuro ko na yung steps.

"Ganito, 1, 2, 3, 4. 5,6,7,8. Gets?" Tanong ko sa kanila.

"Opo Ms. Pres." Sagot ng mga dating members. Nilingon ko naman yung mga bago kasi baka nahihirapan sila.

"Ganito po ba Ms. Pres?" Tanong ni Yoojung at sinayaw yung step.

Noona | JustinTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon