37

46 2 0
                                    

Riye's POV

Paglabas ko ng classroom nandun na agad si Justin naghihintay. Buti nalang pala nakapag ayos na ako bago lumabas. Lalapitan ko na sana si Justin kaso may humila sa bag ko.

"Teka teka, lingon ka muna sakin." Sabi ni Miru.

"Bakit?" Tanong ko sa kanya paglingon ko.

"Ayan oh may lipstick ka sa ngipin. Nakakahiya naman kay Justin." Sabi ni Miru at inabutan ako ng tissue. Dali dali ko namang tinanggal gamit yung tissue na bigay niya.

"Salamat Miru!" Sabi ko sa kanya at niyakap siya.

"Welcome! Enjoy sa date hehehehehehe." Sabi ni Miru at tinulak na ako papunta kay Justin.

"Tara na?" Tanong ni Justin sa akin.

"Sige." Sagot ko naman. Kinuha na naman niya yung libro sa kamay ko. Naglakad na kami palabas ng school at papunta dun sa cafe na bagong bukas. Tahimik lang kaming dalawa hanggang makarating doon.

"Riye ano order mo?" Tanong niya sakin pagkatapos naming maghanap ng pwesto.

"Uhm cappuccino nalang." Sabi ko at nag-abot ng pera.

"Wag na. Libre ko na to. Ako naman nag aya eh." Sabi ni Justin sakin ng nakangiti.

"Naks naman, tumutupad sa usapan." Sabi ko sa kanya ng pabiro.

"Syempre, hindi dapat nababali ang salita ng tunay na lalaki." Sagot niya sa akin at nagpaalam na siyang pupunta sa counter para umorder.

Habang nasa counter siya at nakapila, panay naman ang tingin niya sakin. Titingin tapos ngingiti, lilingon ulit sa harap. Tapos titingin ulit sa akin. Parang tanga pero kinikilig ako. Ano ba Justin. Masyado nang mabilis ang tibok ng puso ko. Kaya ang ginawa ko nalang binasa ko yung libro sa part na binigyan kami ng assignment. Dumating naman agad si Justin dala yung order namin. Biglang nadagdagan ng slice ng chocolate cake yung kape ko.

"Uy bat may pa ganito?" Sabi ko sa kanya na nahihiya.

"Nabasa ko kasi sa internet na bagay daw ang kape sa chocolate cake. Na try ko na dati at totoo nga kaya gusto ko namang matikman mo." Paliwanag niya sakin ng nakangiti.

"Salamat sa libre!" Sabi ko at ngumiti ng malaki sa kanya bago uminom ng kape.

"Kumusta na nga pala yung steps nung sasayawin natin? Naaral mo na ba?" Tanong niya sakin.

"Oo, ayos na. Bukas start na tayo magpractice. Dala ka ng pamalit na damit." Sagot ko naman sa kanya.

"Ikaw dagdagan mo yung dadalahin mong damit. Wag kang uuwi ng pawisan. Baka magkasakit ka." Paalala niya sakin habang nakatitig siya sakin. Nararamdaman ko na naman ang malakas na kabog ng dibdib ko.

"Magdadala nalang siguro ako ng towel. Mabigat masyado dadalahin ko eh." Sabi ko sa kanya. Wala kasing locker sa school namin. Hindi ata nauso sa admins. Kaya laging dala lahat ng gamit.

"Ako magbubuhat, basta magdala ka ng extra pa ulit. Wag ka ng makulit." Sabi niya at ginulo yung buhok ko.

"Hoy mas matanda parin ako sayo!" Sabi ko at babatukan sana siya nung hinawakan niya bigla yung kamay ko at hinigit ako papalapit sa kanya. Lalo atang lumakas ang kabog ng dibdib ko.

"Bakit, may dumi ba ako sa mukha?" Tanong ko sa kanya at medyo nilalayo ang sarili ko. Nakakahiya naman, masyado kaming magkalapit. Titig na titig rin siya sakin.

"Ang ganda mo." May sinabi siya pero hindi ko ganong naintindihan, bigla kasing sumigaw yung babae sa kabilang table, natapon ata yung order niya.

"Ha? Ano yun?" Sabi ko sa kanya.

"Ah sabi ko may foam ka pa sa gilid ng labi mo." Sabi ni Justin. Dali dali ko namang hinila yung kamay ko at kumuha ng tissue para punasan yung labi ko.

"Meron pa?" Tanong ko sa kanya. Nakakahiya naman, nung isang beses lipstick na nakalagpas yung nakita niya. Ngayon naman foam. Baka maturn off siya sakin. Isipin niya ang baboy ko.

"Dito oh." Sabi niya at siya na ang nagpunas gamit yung kamay niya. Bakit ka ganito Justin? Baka magkaron ako ng false hopes.

"Salamat." Nahihiyang sabi ko at uminom na ulit ng kape. Sinigurado ko namang magpunas ng bibig pagkatapos.

"Masarap pala dito eh, balik tayo bukas?" Biglang sabi ni Justin na medyo nagpahinto sakin. Ibig sabihin ba inaaya niya na talaga akong magdate? Teka handa na ba ako para sa bagong commitment?

"May practice kaya tayo." Sabi ko nalang dahil hindi ko alam kung papayag ba ako o ano. Pero Riye chance mo na to.

"Edi pagkatapos. Hanggang 9pm naman tong cafe eh." Sabi niya sa akin at ngumiti. Ang cute niya talaga. Kahit ata titigan ko lang siya buong araw ayos lang eh.

"Nako manlilibre ka na naman. Baka maubos na pera mo." Biro ko sa kanya.

"Walang problema dun basta ikaw ang kasama." Binulong niya yung dulo kaya hindi ko na naman gaanong naintindihan.

"Ha?" Naguguluhang tanong ko sa kanya.

"Sabi ko walang problema." Sabi niya nang nakangiti.

"Ahhhhh, rich kid ka kasi eh hahaha." Sabi ko at tinakpan yung bibig ko habang tumatawa. Syempre baka makita niya yung ngala ngala ko. Ganoon pa naman ako tumawa. All out.

"Hindi naman." Sabi niya na parang nahihiya, nagkamot pa siya ng batok. May sasabihin sana ako ulit nang may nagtext sa akin.

From: Tenten pangit 😆😆

Psst, sino yang kasama mo? Umuwi ka na, isusumbong kita kay Mama.

Si kuya hala, lumingon lingon ako at nakita ko si kuya kasama yung mga barkada niya. Nandito rin sa cafe.

"Justin tapos ka na ba?" Tanong ko na medyo nagpapanic.

"Oo bakit? Kailangan mo na ba umuwi?" Tanong niya.

"Oo eh. Nandito din si kuya sa cafe. Isusumbong niya raw ako kay mama." Paliwanag ko.

"Ah ganon ba. Kelan ba nasa bahay parents at kuya mo?" Tanong niya habang palabas kami ng cafe.

"Pag weekends bakit?" Nagtatakang tanong ko sa kanya.

"Ah wala wala." Sabi niya.

"Okay." Sagot ko at nagkibit balikat nalang ako.

Noona | JustinTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon