06

71 2 0
                                    

Riye's POV

Nagaalinlangan ako sa kung anong isasagot ko kay Samuel. Hindi pa ata ako ready na makipag usap sa kanya. Pero kung naka move on na talaga ako, dapat kaya ko na siyang harapin.

"Ms. Pres sorry late kami!!" Sabi ni Taedong

Sasagot na sana ako sa kanya ng biglang dumating na yung iba pang members ng org. Saved by the bell, mali saved by the members pala.

"Maybe not now." Sabi ko kay Samuel at lumapit na sa ibang members.

Nagumpisa na akong magturo ng routines sa kanila. Hindi naman mahirap yung steps, kailangan lang powerful at hindi lalamya lamya pag sumayaw.

"Sige kayo naman." Sabi ko at minonitor sila sa pagsayaw.

"1,2,3 and 4" Bilang ko at nakuha naman nila ang mga tinuturo ko. Ganito ang hahanapin ko sa audition, yung mga hindi mahirap turuan.

Dumating na din ang mga kapwa ko seniors na malelate daw kanina. Mabilis din naman silang nakakasunod sa steps. Para saan pa at kami ang founder ng org na ito.

"Sige break muna!" Sabi ni Taehyun pagkatapos matapos ang kanta.

"Break na daw." Sabi ni Donghan at tinapik si Samuel

"Matagal na kaming break." Sagot niya naman kay Donghan.

"Wow ha, yan ba ang naka move on?" Sabi ni Somi na lumapit naman sa akin.

"Pagkatapos ng break balik agad ha." Paalala ni Taehyun sa mga members.

"Pag nag break na, wala ng babalikan pa." Sagot ko naman.

"Teka teka wait, iba ata meaning ng mga sinasabi niyo?" Sabi ni Ong.

"Walang ibang meaning. Pag binigyan mo ng ibang meaning masasaktan ka lang." Sagot ko kay Ong.

"Teka siya pa rin ba to or iba na?" Sabat naman ni Daniel.

"Iba na yan, hindi na si ano yan hahaha." Sagot ni woojin bago lumabas ng gym.

Noona | JustinTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon