Chapter 4 Stupid heroine Trick

3 0 0
                                    

Bigla naman naputol ang pag-uusap naming ni Stella nang tumunog ang cellphone niya tsaka siya nag-excuse at umalis.

Bakit parang may something dito sa school nato  na hindi ko maipaliwanag? At bakit curious ako? Tsk! Curiosity kills a cat Raine, kaya tigilan mo na.

At sa aking paglalakad ay umalingawngaw ang isang pagsabog sa di kalayuan and my adrenaline made me rush sa kung saang parte man yun ng school. And it turned out that it was the science strand building. Shit! Si Andrea! Kinabahan ako bigla.

Napatakbo ako sa nasusunog na building. Oh my God!! Andrea where are you? Nagpapanic na ako. Maraming estudyante ang nasa harap ng building but I can't find Andrea!! Tsk!

Shit na malagkit!  Hindi ko mapapatawad ang sarili ko pag may nangyaring masama sa kanya. Takbo rito, takbo doon pero hindi ko mahanap si Andrea. Nasan na ba ang mga police,ambulansiya at bombero. Tsk!

Walang ibang paraan kaya napatakbo ako papuntang nasusunog na building. It's now or never! Papasok na sana ako sa entrance kahit kinakain na ito ng apoy nang may pumigil sa akin and grab me drastically at napahiga kami pareho sa damuhan. Sheett!! I'm gonna kill this intruder !

which is Vaughn.

"Shit! What are you doing?" Asik ko.

"Tanga ka ba? Risking your life in fire without even thinking?" Galit niyang tugon.

" My best friend is in that building, what would you think I'm gonna do?" Desperate kong sabi.

"Do you think you can save her? Magiging abo lang kayo pareho, stupid heroine trick!"

Nagdilim na ang paningin ko kaya he end up sa damuhan ulit giving me death glare with his dark aura. I punch him hard.
Sheet! Ang sakit ng kamay ko!

"Raine!"

Napatingin ako sa tumawag, it's Andrea.

"Thank goodness your safe!" I felt relieved kasunod naman niya si Margo at ang ibang Caliginous.

" Woow bro! Anong nangyari sayo?" Tanong ni Luke nang mapansing may nakaupo sa damuhan saka  nag-abot ng kamay kay Vaughn.
Pagkatayo niya ay umalis na lang siya nang walang lingon-likod.

"Anong nangyari dun?" Tanong naman ni Randy.

Feeling ko dapat akong mag sorry pero kahit ni katiting na letter S ay wala ako nun. I may feel guilt but I just set it aside. Ayoko na muna yata siyang makita sa ngayon.

Pinakalma naman ng mga taga student council at ng mga faculty ang mga nagpapanic na mga estudyante, yung iba naman ay pinapunta na sa kani-kanilang dorms at sinuspende muna ang klase.

~**~

"Asan ka ba habang nasusunog ang building niyo?" Tanong ko kay Andrea habang nagbibihis. Nasa dorm na kami ngayon.

"I'm in the library with Margo kasi may research kami na ginagawa and nabalitaan na lang namin na nasusunog na pala ang building buti walang masyadong nasaktan" paliwanag niya.

"And by the way I saw you with Vaughn Branon earlier?" Dugtong niya

Naalala ko tuloy ang pagsapak ko sa taong yun. Ayoko na tuloy siyang makita pa o makatagpo man lang ng landas. Tsk! Wala pala akong choice kasi magkaklase pala kami.

"I'm like a crazy bitch out there at siguro abo na ako ngayon sa pag-aakalang nasa building ka at ililigtas ka sana, buti napigilan niya ako."

Nabigla naman si Andrea sa sinabi ko.

"Sorry Raine, for making you worried" paawa effect niya.

"Oh please, tigilan mo na ako. Ang importante pareho tayong ligtas". saka ako humiga sa kama ko.

Tsk. I hate emotional moments.

"Okay! Pero salamat parin!"

Naramdaman ko nalang na yumogyog ang kama and I'm choke by her hug.

Ang kulit talaga nito! How could she be my friend??!!

Dark HavenWhere stories live. Discover now