Chapter 10 Personal Bodyguard

4 0 0
                                    

Nakabalik naman ako ng Springfield na maayos at walang galos. Hanggang ngayon ay iniisip ko pa rin ang mga sinabi nila tsk!

Ang ipinagtataka ko ay bakit hinayaan pa rin nila akong mabuhay o dapat pa akong magpasalamat because they spare my life?

Pero hindi ko pa rin maiwasan na mag-alala at kasi nga nakabangga ko ang mga katulad nila na mga delikadong tao. Maybe they will make me suffer first at kalaunan saka ako papatayin at baka pati pamilya ko ay idamay nila.

Napabuntong hinga nalang ako.

"Ikalimang-buntong hinga mo na yan!"

Napatingin naman ako sa nagsalita muntik ko ng makalimutan na kasama ko pala si Andrea. Naalala ko kanina na pagkarating namin dito sa springfield ay sobrang nag-aalala ang mukha niya. Sino ba naman ang hindi kung mabalitaan mo na may mga armadong lalaki na nakapasok sa campus at nawawala pa ang dalawang room mate mo.

"May problema ba?" Tanong niya.

"Wala naman, masama lang ang pakiramdam ko" saka ako tumayo.

"I don't want to attend classes today, punta lang ako ng dorm" dagdag ko saka naglakad palabas ng cafeteria at hindi na hinintay ang sagot niya

Naglalakad na ako papuntang dorm nang napatigil ako. Wala ng mga estudyante, siguro ay nasa kanya-kanyang klase na. Tumingin ako sa likod ko at tama nga ang hinala kong may sumusunod sa akin.

I give him my bored look when I saw his annoying smiling face.

"Ang lakas ng pakiramdam natin ah?!" Wika niya na hindi pa rin nawawala ang malawak niyang ngiti.

"Randy, bakit mo ako sinusundan?" Tanong ko sa kanya

"Aren't you gonna attend our class?" Balik tanong niya sa akin

"Tsk. Masama ang pakiramdam kaya aabsent ako at makakaalis ka na" taboy ko sa kanya at nagsimula nang humakbang.

Ngunit mabilis siya at hinawakan ang braso ko. "Pumunta ka raw sa Cabal mansion?"
Tanong niya sa mahinang tono pero sapat na para marinig ko ito, nakaguhit naman ang seryoso sa kanyang mukha.

Alam niya ang tungkol sa cabal? Wala namang nabanggit si Margo tungkol sa Caliginous na myembro nito? They're just gangsters or so i thought?

"Bakit alam mo ang organisasyong yun?" Tanong ko.

"Let's use the word conspiracy and not organization. Aren't you aware? We are caliginous led by Vaughn and hindi lang kami basta-bastang gangster na nangunguna ng gulo. We're part of that mafia" paliwanag niya

Nanlaki naman ang mata ko sa sinabi niya. What the heck? Napapalibutan na yata ako nga mga miyembro ng Cabal, tengene are they really want me dead. Shit!

"Randy, mag-"

He cut me off. "I'm sure na hindi nila palalampasin ang buhay mo. But I guess, binuhay ka nila for a reason. As far as I know ay wala pa silang iniiwan na buhay pag may taga labas na nakapasok sa Cabal mansion"  paliwanag niya.

What is he up to? Is he threatening me?

"Ano ka sa mafia?"

I caught him off guard. Mukhang may pag-alinlangan na sasabihin niya sakin.

Tatalikod na sana ako pero pinigilan niya ako.

"I'm a reaper! I can protect you from anyone" sagot niya sakin.

Tsk! Protect me from anyone? Even if from the mafia whose chasing my life? Kalokohan!!

Hindi na ako nakasagot dahil kinaladkad na niya ako papuntang dorm habang dala-dala ang ngiti niyang usual kong nakikita sa mukha niya.

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Jun 29, 2020 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

Dark HavenWhere stories live. Discover now