Chapter 9 Cabal

3 0 0
                                    

"Are you that tough huh?" Tanong ng isang batang lalaki na hindi ko kilala na mukhang galit na galit habang kausap ang batang lalaki na nakahundasay sa lupa at madungis na madungis.

"Halika na! Kaya na niya yan , okay ka lang ba?" Tanong naman ng batang babae na may suot na malaking salamin sa akin.

Pinahiran ko naman ang mga luha na nangingilid saking mukha at pati na ang uhog ko sa ilong sabay nun ay inalalayan niya akong tumayo at dinala sa may playhouse.

"Sorry hindi ako marunong magpatahan ng umiiyak kaya ito para sayo!" Sabay abot niya ng chocolate sa akin at ngumiti ng matamis. Tinanggap ko naman ito.

Dumating naman ang lalaking galit na galit kanina, mahinahon na siya ngayon.

"Ano? Umuwi na ba yung damulag na yun?" Tanong ng batang babae sa kanya.

Tiningnan naman ako ng batang lalaki at  ginulo ang aking buhok.

"Umuwi na siya tapos sabi niya sorry" tugon niya na nakatingin sa akin at ngumiti.

Napangiti naman ako ngunit nawala ang aking ngiti nang may biglang dumating na isang malaking lalaki  at hinawakan ang batang babae saka nagsisigaw pa ito.

"Bitiwan mo siya!" Matapang na saad ng katabi ko.

Lumapit naman ako sa mamang may hawak sa batang babae at pinagsusuntok ito ngunit tinulak niya ako ng malakas at tumilapon ako sa isang kotse at tumama ang aking katawan at ulo doon.

Pinilit kong ibuka ang aking mga mata at nakita ko na nagsisigaw na ang batang babae dahil kinaladkad na siya ng mama habang ang batang lalaki naman ay pumipigil sa mama at bigla nalang may ingay akong narinig  tapos hindi ko na alam ang mga sumunod na nangyari dahil unti-unti ng bumibigat ang talukap ng aking mga mata dahil sa sakit na aking nadarama.

Napabalikwas ako ng gising at napasinghap naman ang mga nasa paligid ko.It is not a familiar place for me. I'm somewhere in a room. Tapos tiningnan ko ang mga nasa paligid ko ay apat na babae at dalawang lalaki na hindi mga pamilyar sa akin.

"Mabuti naman at gising ka na"

Napalingon ako sa bagong dating na si Vaughn Branon.

Teka? Nasaan ako? Hindi na rin ako nakacocktail dress na suot-suot ko kagabi at buhay ako. Buhay na buhay! Bakit ngayon ko lang ito napagtanto? Huli kong naaalala ay may tumutok sakin ng baril at akala ko ay katapusan ko na.

"Where am I?" Tanong ko sa kanya.

"Masyadong malalim ang iyong iniisip and end up asking me that question" turan niya

"Nasan ako?" Pag-uulit ko sa tanong ko. Wala ako sa mood makipagtalo sa lalaking ito ngayon dahil masakit pa ang katawan ko.

"You're in my house" ikli niyang sagot

"Pwede na kayong lumabas at may pag-uusapan lang kami" baling niya sa anim na taong nasa silid na nakatayo lang at blanko ang ekspresyon ng mga mukha.

Saka sumunod na nagsilabasan ang anim. Nang makalabas na silang lahat at hindi pa unti-unting sumara ang pinto ay may papasok na naman halata pang nag-aaway ang dalawang nasa tapat ng pinto.

"You don't have to see her" pigil ni Margo kay Uno nang makapasok ng tuluyan sa silid.

"Ofcourse, I have to see that bitch dahil namumuro na siya na dalhin ka sa kapahamakan!" Ani Uno

Ako ba ang tinutukoy niyang bitch?

Tiningan ko naman si Vaughn na mukhang walang balak na sawayin ang dalawa.

"Wala siyang kasa-" wala na ngang nagawa si Margo dahil tuluyan ng nakapasok si Uno ng silid.

"May nauna na palang nakapasok kaysa sa atin, trice!" Sabi ni Uno nang bumungad sa kanya ay ako na nakaupo sa kama at si Vaughn na nakatayo lang.

Dark HavenWhere stories live. Discover now