Chapter 8 Bloody Acquaintance Party

3 0 0
                                    


This is the most exciting event for the students of Springfield since this is the day of the Acquaintance party they've been waiting for.
Kill joy na kung kill joy pero ako lang yata ang hindi excited at interesado sa event na ito.

"TAADDAA!! Look at Margo, Raine she's beautiful" napalingon naman ako at tumambad sakin si Margo na nakasuot ng black cocktail dress na may strap na hapit na hapit sa katawan niya with silver beads shining the dress. Well she's cute and pretty bagay na bagay sa kanya.

"Ako na ang susunod para I can put make up on you, Margo" sabi ni Andrea at pumasok na ng C.r

"Seems like you're not interested with the event." Saad ni Margo

Sinabi niya pa. "Definitely not interested!, by the way you look beautiful on that dress" sabi ko habang hindi nakatingin sa kanya.

I saw sa gilid ng mata ko na nagsmile siya ng konti at sinabing

"Thank you!, I am excited to see you wearing that dress" tukoy niya sa dress na nasa kama ko.

Hindi ko na siya nasagot dahil kasabay nun ang paglabas ni Andrea galing sa C.R. She's wearing a red silky gown na floor length na strapless at hapit na hapit sa kanyang katawan na bumagay sa balat niyang maputi.

"You're beautiful!" Komento ni Margo

"I know right" sagot naman ni Andrea saka tumawa

"Ikaw na ang sumunod Raine, don't be stubborn" baling naman niya sa akin.

I don't have any choice anyway, eh simula pa lang kahapon ay pinilit niya na kaming dalawa ni Margo na sumama sa kanya to buy these gowns.

She even blackmailed us, for Margo susunugin niya raw ang mga libro nito pero mukhang hindi naman nathreaten si Margo at hindi na rin nagprotesta, sinabayan nalang niya ang kahibangan ng babae.

Samantalang sakin naman ay kokontakin niya raw si Daddy at ipapadeport akong Australia. Duh! Makikipaglaro muna ako ng tug of war sa kanila bago ako madala sa airport.

Lumabas na ako ng C.R at tapos na rin niyang ayusan at make upan si Margo. I saw amazement in their eyes.

"Looks that the dress really fits on you, my dear!" Komento ni Andrea

I'm wearing royal blue cocktail dress na pareho kay Margo pero strapless ang sa akin. Which is tube na hapit na hapit rin sa katawan kong skinny.

"Okay! Time for your make over!" Sabi Andrea na may pagkaexcite

"Andrea's right it's really good on you, Andrea has a good taste of fashion" compliment naman ni Margo.

"Nafaflatter na ako Margo, dear!" Pabirong sabi Andrea saka tumawa.

After the make over and the like ay pumunta na kaming tatlo sa gym kung saan pagdadausan ng event.

When we arrived there, naggather na ang mga estudyante and ofcourse may mga designs ang buong gym that fits with the theme.

Ilang minuto ang lumipas ay nagsimula na ang program, marami silang ginagawa sa stage na hindi ko maintindihan dahil nabobored na ako. Tumingin-tingin naman ako sa paligid and saw Caliginous who are really handsome with their suits.

Wait, did I really compliment them?

Tumingin naman ako isa-isa sa kanila at napako ang tingin ko kay Vaughn na hindi maikakailang nagstand-out siya sa kanilang lima dahil sa suot niyang black suit at pormal na pormal ito.

Bigla naman nagtama ang aming mga tingin nabigla naman ako dahil mukhang nahuli niya akong nakatingin sa kanya, hindi ko naman ito pinahalata kaya nakipagtitigan lang ako. Cold lang ang kanyang mga tingin sa akin, ayos na sana masyado lang malamig ang isang to.! Tsk!

Dark HavenWhere stories live. Discover now