Chapter 7 Someone better than yourself

3 0 0
                                    

Nagdaan ang mga araw na normal na ang takbo ng oras at ang kalagayan ng Springfield University. Bukas na ang cafeteria para gamitin ng mga estudyante at faculties ngunit nananatili paring restricted and science strand building.

Ayon sa usap-usapan ay short circuit raw ang dahilan ng pagkasunog since science building ay baka naapektuhan ang mga gamit sa laboratory kaya ito sumabog.

Habang ang putok ng baril sa cafeteria ay nahuli na raw ang salarin at ang ipinagtataka ko ay paanong nahuli?

Diba, napatay na yun ni Uno? Tsk. Iwinaksi ko nalang ang kaisipang yun.

Si Margo ay balik na sa dati na nagbabasa ng libro at balik na sa normal ngunit Hindi rin ako makahanap ng pagkakataon na makausap siya na kami lang dalawa.

"Hey girls! Have you heard the news?"

Napalingon naman ako Kay Andrea dahil sa tanong niya habang si Margo ay napasulyap saglit pero ibinalik agad ang mata sa binabasa pero alam namin na nakikinig siya.

Hindi namin siya sinagot at naghihintay sa susunod niyang sasabihin.

"Springfield Aquaintance party!" Excited na anunsyo niya.

Akala ko kung ano na, ipinagpatuloy ko lang ang paglantak sa pagkain ko habang hindi naman nagalaw si Margo.

"Aren't you excited??! Ito kaya ang pinag-uusapan ng buong school. If you only read what's on the bulletin sometimes." Sabi ni Andrea.

"Springfield always did that, ever since junior high. Boys and girls wore their best formal attire at may face of the night pa and party." Paliwanag ni Margo

"Hindi naman mangyaring hindi ka sumali since nasa junior high ka palang ay ginagawa na nila ito, I bet Margo will be joining this year" masayang saad ni Andrea.

"Pwedeng pass muna ako jan? You know me, I hate formal attires and parties" reklamo ko naman.

"Wag ka ngang KJ, it's our first year dito sa Springfield and dapat maranasan natin yun dito" sagot niya.

"So we should buy gowns for this event!!" Dugtong niya.

"I'm not interested" at saka lumabas ng dorm.

Tama nga si Andrea, usap-usapan nga ang aquaintance party dahil sa mga madadaanan ko na mga estudyante , ito ang bukambibig.

PE class ko ngayon kaya papunta akong gym, nagbubukas na ako ng pinto at bumulaga sakin ang isang basketball at sapok talaga sa mukha ko. Dahil hindi ako weak gaya ng ibang babae na pag natamaan ay matutumba at mawawalan ng malay bagkos ay kinuha ko ang bola at sinamaan ng tingin ang mga nasa gym.

"Who the hell throws the ball?" Tanong ko sa kanila dala ang blankong ekspresyon sa mukha

"Ooppss! Sorry I didn't mean to!" Maarteng sagot niya saka tumawa kasama ang ibang cheerleaders.

Psssh weak girls. Buti hindi ko mga kaklase ang mga maaarteng to kundi ano pa magawa ko sa mga pagmumukha nilang clown.

Pinasa ko nalang sa kanila gamit ang lakas ko saka naglakad na papunta sa mga kaklase ko sa kabilang parte ng gym, nakita ko naman sa peripheral vision ko na napapitlag ang babaeng maarteng sumagot kanina.

Sakto naman na dumating na ang teacher namin sa Pe saka kami nagsimula.

"Okay, let's start. We will be having a basketball match today and  I want that everybody will participate for your points. I will be the referee and at the same time the scorer so, let's divide the girls and the boys into 2 groups"

Nagsimula naman na magcounting at pareho kami ni Stella ng group, nasa number 2 kami sa mga babae. Samantalang sa mga lalaki naman ay magkalaban naman ng grupo sina Crowder at Branon.

Dark HavenWhere stories live. Discover now