ikatlo

319 15 2
                                    

548
para sa kanya

548.
Sa pagsulat ng tatlong numerong ito,
ikaw agad ang naiisip ko.
Kung kaya't ito ang ginawang titulo,
ng tulang isinulat para sa'yo.

Lima.
Numerong maraming kahulugan.
Pero sa ngayon, kinakatawan nito
ang ating pang-limang buwan.

Limang buwan ng ating
mga pinagsamahan,
limang buwan ng walang
sawang pag-kwentuhan,
limang buwan ng ating kasiyahan,
limang buwan na may
kaunting kalungkutan.
Limang buwan.

Sa limang buwan na iyon
ay aking napagtanto,
na ang hirap palang mahalin
ang isang katulad ko.
Ngunit kahit na ako'y ganito,
salamat dahil tanggap mo parin ako;
kahit minsa'y pakiramdam ko
'di ako nararapat sa pagmamahal mo.

Ang numerong apat naman
ay akin ring pinahahalagahan,
dahil ito ang bilang ng letra
sa iyong pangalan —
pangalan mo na hindi ako
magsasawang bigkasin,
pangalan mo na patuloy kong mamahalin.

At para sa huling numero,
ito ay ang aking paborito.
Dahil pag binaliktad mo ang numerong walo,
ay walang hanggan ang
kanyang sinisimbolo.

At mahal,
ang walang hanggan na ito,
ay gusto kong mabuo
na ikaw ang kasama ko.

Sana ay patuloy kang nasa 'king tabi.
dahil pangako, hindi kita isasantabi,
tandaan mo ang ibig sabihin
ng mga numerong ito:
mahal kita infinity.

TakipsilimTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon