alas - onse
Eskinitang madilim —
kumikislap ang ilaw.
Tahimik ang paligid,
anino’y sumasayaw.Pauwi sa tahanan,
takot ang pakiramdam.
Alas-onse ng gabi,
galing pang paaralan.May biglang kumaluskos,
at ako’y napalingon.
Isang matandang lalaki,
ang sumusunod-sunod.Naaalala ko pa,
yung kabog ng puso ko.
‘Di ako makahinga,
hindi ‘ko mapagtanto.“Ba’t ganyan kaniyang ngiti;
parang nanghihimasok?”
Tumaas balahibo,
ako ay napatakbo.Ngunit ako'y nahabol,
‘di na makapagpiglas.
Pilit kong tinatanggal,
kamay niya saking manggas.Mabilisang pag-iglap,
nilabas niya ang baril.
Dahilan ng ‘king sigaw —
mundo ko’y napatigil.Dugong pula’y kumalat,
sa itim na aspalto.
Ang baril ay nahulog,
at agad siyang tumakbo.Pilipino ang dugo,
Hustisya aking ngalan.
Pinatay isang gabi,
sa bayang kinagisnan.Ako’y nababagabag,
hindi na matahimik.
Pagka’t may isang tanong
mutiktik saking isip.Tila ba plakang sira,
paulit-ulit ito:
“Ba’t ako pinatay ng
kapwa ko katutubo?”
![](https://img.wattpad.com/cover/120256597-288-k972398.jpg)
BINABASA MO ANG
Takipsilim
PoésieTakipsilim (n.) - ang pagtatapos ng araw at pagsisimula ng gabi; - panahon kung saan maraming tula ang nasasaksi. --x Ang kompletong buod ay matatagpuan sa loob. Ilulong ang sarili sa nakakaigting na mga tulang isinulat sa marikit na wikang filipino...