ikaapat

159 8 0
                                    

palahaw ng luntian

Nagsusumiklab;
kumukulay ang langit
ng dugong patak.
Tila abo na,
mga puno ng mangga;
naglalagablab.

Naririnig mo ba,
mga palahaw nila?
Tila nagpapaawa.

Ngunit huli na,
Wala nang magagawa
kundi manood.
Buong paligid,
nalulunod sa usok —
sa apoy nakabalot.

Hampas ng alon,
ay tila tunog iyak
ng mga isda.
Kumpas ng hangin,
ay tila tunog sigaw
ng mga ibon.

Malakas ito,
mahapdi sa tenga;
nakakabingi.
Tila ba gustong
sagipin ang luntian
at karagatan,
Ngunit 'di pwede.

Alaalang natira
nalang ang lahat.

Gabing mapanglaw;
napatungga ng alak
ang buwan na bilog.

Umiling ito.
"Itim na ang lupain,"
wika niyang bigo.

TakipsilimTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon