masaya naman tayo diba?
nagtatawanan, na tila sa ngiti mo'y
hinding hindi ko mababakas ang pag aalinlangan,
oo, mas masaya tayo.
pero bakit pagdating sa kanya,
biglang nawawala sakin yang ngiti mong yan,
at biglang napapasakanya?
na kahit pa nandoon ako,
parang kayo lang din.
para bang, walang tayo,
sa mundo niyo.
oo, mas masaya tayo.
pero pinakamasaya kayo.
BINABASA MO ANG
tacenda.
Non-FictionNoun. Things better left unsaid. Matters to be passed over in silence.