tama na.
hindi dahil sa mas maganda siya.
tama na.
hindi dahil sa mas matalino siya.
tama na.
hindi dahil sa mas gusto siya
ng mga kaibigan mo.
tama na.
hindi dahil sa mas masaya ka
sa kaniya.
tama na.
hindi dahil sa nawawala na ako
sa iyo.
tama na.
hindi dahil nakaraan mo siya.
tama na.
hindi dahil sa ayaw ko na sa'yo.
tama na.
hindi dahil sa nasasaktan ako
sapagka't ako ang nasa tabi mo,
ngunit tila parang siya
ang hinahanap mo.
tama na,
tama na.
tama na dahil alam kong
ako na ang talo.
BINABASA MO ANG
tacenda.
Non-FictionNoun. Things better left unsaid. Matters to be passed over in silence.