biglang bumuhos ang ulan.
hindi ko na namalayan ang mga taong
nagsisipagtakbuhan sa paligid ko.
kung gaano kabigla,
ang pagbagsak ng ulan,
ganoon din kabigla,
ang pamamaalam mo.
mabilis na nababad sa ulan ang damit ko,
ngunit para bang wala akong pakealam,
at hindi ako umalis sa kinatatayuan ko.
na kung gaano kabilis,
na nabasa ang suot ko,
ganoon din kabilis,
na nadurog ang loob ko.
ang lamig.
ang lamig,
pero nababakas ko pa rin
ang kakaunting init
sa mga pisngi ko
habang bumubuhos din
ang mga luha ko.
BINABASA MO ANG
tacenda.
Non-FictionNoun. Things better left unsaid. Matters to be passed over in silence.