mahal,
sa lahat ng pinag awayan natin,
eto na yung pinakamapait.
hindi ko na alam
kung ano bang dapat kong gawin,dahil gusto lang kitang makausap,
pero parang pilit mong tinataboy.
ano ba?
pagod na ako.
pagod na pagod na akong umintindi.
ayaw mong pinaparamdam ko
na wala akong pakealam,
pero ayaw mo rin, kapag
pilit kitang nilalapitan.
na para bang sa lahat ng pagkibo,
masasaktan at masasaktan lang din.
na para bang
wala nang ibang kahahantungan.
at matatapos na lang din tayo.
BINABASA MO ANG
tacenda.
Non-FictionNoun. Things better left unsaid. Matters to be passed over in silence.