dito ko ibabahagi,
ang limang mga pangyayari
sa atin.
una;
pinagtagpo ng tadhana.
sino nga ba ang mag aakala,
na sa dinami dami ng babae
na nakapaligid sa'yo,
ako pa ang nangibabaw sa mga mata mo.
pangalawa;
tayo.
sa hindi rin inaasahan,
nagkalapit tayo,
sa hindi malamang dahilan
at oo, nakamit mo ang matamis na oo.
ikatlo;kaligayahan.
mahal, salamat.
sapagka't naranasan natin sa isa't isa
ang mga ngiting tunay at wagas
ngunit tila baga'y unti unting nagbago.
ikaapat;
naglaho.
ang lahat ay nawala,
at bakit ko ba nararamdaman
na parang iiwanan mo na ako
sapagka't bumalik na ang nakaraan mo?
at ang pinakamasakit,
ikalima;
iniwanan mo na ako.
hindi ko malaman kung saan nagkamali,
at sino nga ba ang mag aakala
na sa dinami dami nating pinagsamahan,
ako pala ang maiiwang mag isa.
kung gaano kabigla
ng paglapit mo,
ganoon din kabigla
ang paglisan mo.
hindi mo na dapat ako nilapitan,
kung babalik at babalik ka din pala
sa kaniya.
BINABASA MO ANG
tacenda.
Non-FictionNoun. Things better left unsaid. Matters to be passed over in silence.