•3am

5 1 0
                                    

tick tock tick tock
   
mabagal na lumipas ang oras.
   
    
   
3a.m., nakatitig sa kawalan.
   
naaalala ko pa yung mga panahong
ikaw pa at ako.
   
dahil noon lang may tayo.
   
   
3a.m., pero pilit na nagpipigil ng tawa,
dahil nga baka magising ang iba.
   
dahil sa mga panahong 'yon,
   
ikaw lang at ako.
    
pinag uusapan ang mga bagay bagay,
   
na kahit paulit ulit,
ay hindi nakakasawa.
   
   
   
pero ano na nga ba ang nangyari?
   
   
   
kamusta?
    
gising ka din ba?
   
baka oo, oo,
pero hindi na dahil sa akin.
   
gising ako,
gising ako pero dahil pa rin sa'yo.
   
gising ako oo, walang bago
pero ang pinakaiba dito,
sakit na lang ang nararamdaman ko.
    
hindi na kilig,

hindi na saya.
   
3a.m., pero baka tulog ka.
   
pero wala pa ring pinagbago.
  
gising ako,
na bumubuhos ang luha.
   
habang ikaw,
mahimbing kang natutulog.

tacenda.Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon