"tama na."
matapos mong banggitin
ang mga katagang 'yaon,
ay namagitan sa atin
ang katahimikan.
noon ko lamang napansin
na ang katahimikan
ay nakakabingi din pala.
na napakatinis pala sa pandinig
ng katahimikan
na patuloy pang namagitan sa atin
noong gabing 'yaon.
at sa katahimikan natapos
ang kwento nating dalawa.
BINABASA MO ANG
tacenda.
Non-FictionNoun. Things better left unsaid. Matters to be passed over in silence.