© 2012, taratarajing
ALL RIGHTS RESERVED. Any unauthorized reprint or use of this material is prohibited. No part of this book may be reproduced or transmitted in any form or by any means, electronic or mechanical, including photocopying, recording, or by any information storage and retrieval system without express written permission from the author / publisher.
FAN | VOTE | COMMENT
*Ren ------->
---
December 2, Shuji’s Bar, 11:30 pm
Ren’s POV
“Pareng Ren, inom ka naman! Sayang ang blowout ko o!”
Nilingon ko ang sumigaw, si Dionne. Nakataas pa ang kamay habang hawak ang isang bote ng San Mig na wala pang bawas. Nakaupo ito sa harap ng mesa kasama ang tropa.
At ako? Heto sa bar counter umiinom ng softdrinks.
Kung hindi lang talaga ako pinilit nina Marco na pumunta dito hindi talaga ako pupunta.
Tss.
“Oo nga, Ren! Ang dami nito o.”
“Oo nga!” segunda pa ng mga kulugo sa ibang mesa.
Birthday party ni Dionne at nagpasya itong idaos iyon sa bar ng tropa kong si Shuji, halos lahat ng bisita ay pawang schoolmates namin.
Tinaas ko ang baso ko para sabihing tama na sa’kin yon. Wala akong planong magpakalasing ngayong gabi.
Pero wala, hindi nakinig si Dionne, tumayo pa ito at gumegewang na lumapit sa’kin.
Bangag na ang sira-ulo. Tss.-.-
“Pareng Ren naman, birthday ko ngayon pagbigyan mo naman ako.”
Inakbayan niya pa ko. Halos tumumba nga kami pareho dahil hindi na siya makatayong tuwid sa kalasingan. Ang sarap sapakin ng gago, ang laki-laking tao pero ang hina-hina sa inuman, isama mo pa ang alak at anghit na sumisingaw mula sa katawan nito. Dafuq!!
“Pre, pasensya na talaga. Wala ako sa mood mag-inom ngayon. Pasensya na talaga.” Sabi ko na lang kahit gustong-gusto ko na siyang ibalibag. Ang baho talaga!!! >, <
Nilingon ko ang mesa ng tropa para humingi ng tulong. At pambihira! Nakikipagtawanan pa sa mga babae.
Mga gago! Lumingon kayo dito!!!!
Laking pasalamat ko ng tumingin sa’kin si Marco. Gamit ang mata ay tinuro ko si Dionne na halos bumitin na sa’kin. Pakiramdam ko ilang sandali lang ay mababasag na ang baso ko sa higpit ng hawak ko. Arrrrrrrrr!
Mabilis namang tumayo si Marco at hinatak si Shuji palapit sa’min. Nag-flying kiss pa si Marco sa umangal na babaeng katabi nito ng tumayo ito.
Aytss!
Nilingon ko si Dionne, lungayngay na ito sa counter. Tang’**! Kung hindi lang talaga birthday ng taong to kanina ko pa to sinipa palabas ng bar ni Shuji.
Wala namang pwedeng umangal pag ginawa ko yon, tsss. *_*
Pero mabait ako ngayon kaya hindi ko gagawin. 0=)
“Dionne, pare.” yugyog dito ni Marco. Pero hindi man lang natinag si Dionne. “Tsk! Wa epek, mga pre, tulog na.” sabi sa’min ni Marco. Binatukan pa nito si Dionne.
“Tsk! Mahina pala yan e.” sabi naman ni Shuji.
“Hold him tight.” utos ko kay Marco.
Naguguluhan siyang tumingin sa’kin. ‘ . ‘ ?
“Hawakan mong mabuti dahil pag inalis ko ang pagkaka-kapit sa’kin niyan mahuhulog yan.” >.>
Sinunod naman niya bago ko pabalyang inalis ang braso niya sa balikat ko.
“Hoy mga ungas! Iuwi niyo na to!” tawag ni Shuji sa mga ka-tropa ni Dionne. Siyempre hindi pwedeng umangal ang mga to, takot na lang nila sa’min.
Agaran nilang nilayo sa’min si Dionne at nilabas ng bar. Hindi ako uminom ng kahit anong alcohol pero parang masusuka ako, naiwan pa rin ata yung amoy ni Dionne.
“Get rid of that jacket, Ren. Ang baho!” sabi ni Shuji, nakatakip pa ang ilong. Ganun din si Marco.
Grabe, ang lakas pala talaga ng amoy na yun para maamoy ng dalawang to. Dumikit pa sa jacket ko.
Hinubad ko na lang at pinatapon sa waiter na nasa counter. Wala na kong pakialam kung magkano pa yun. Madali namang bumili ng pampalit.
Umupo sa stool sa tabi ko ang dalawa, nakatalikod si Marco sa counter habang nakapatong ang mga siko doon. Si Shuji naman tumulad sa’kin.
Nag-iba bigla ang atmosphere...
“Leroy, scotch nga.” Sabi niya sa bartender.
Mahabang katahimikan ang dumaan sa pagitan naming tatlo. Maingay sa buong paligid pero pakiramdam ko kami lang ang nandodoon. Nakatitig lang ako sa inumin ko, blangko ang isip ko. Mayamaya naman ang pagbuntong-hininga ng dalawa.Napatulad na din ako.
F*ck! Ito na naman. Bumibigat na naman ang pakiramdam ko.
"Tawagin ko lang sina Kenneth." - Marco.
“Let’s get out of here, man.”–Shuji.
---
A/N: Chapter 1 talaga ang pinaka-mahirap gawin. Hahaha.
Pa-LIKE, VOTE, COMMENT, FAN at LIBRARY. Kahit alam kong pangit. Hahahaha ^____^
![](https://img.wattpad.com/cover/1338881-288-k842117.jpg)
BINABASA MO ANG
I LOVE THIS GANGSTER <3 ongoing <3
Teen FictionLove is much like a wild rose, beautiful and calm, but willing to draw blood in its defense. ~Mark Overby