*Michiko ------>
WALANG SILENT READER. PLIIISS. >,<
---
Michiko’s POV
Teka, asan na ba ko?
Patay ako kay Yaya, malalim na ang gabi nandito pa ko sa labas.
Ano nga bang lugar to? Tss.. Hindi ko alam.
Ahh, oo nga pala. Lasing nga pala ako paano ko malalaman? Tss! Hahaha! Sigurado pag may nakakita sa’kin ngayon, malaking eskandalo. :D
Pero wala na kong pakialam. Sawang-sawa na ko sa pagpapanggap. >.<
Dre.
Aysst!!! Naalala ko na naman ang lalaking yon. Isa pa sya sadahilan kaya ako lasing ngayon e. Badtrip siya, iniwan din ako. Tsk!
Napahawak ako sa pader kasi muntik na kong bumagsak dahil sa hilo, ang labo na rin ng paningin ko. Medyo madilim pa kaya lalong nahihirapan akong makakita.
Ano ba yan..Akala ko ba pag lasing nalilimutan mo ang lahat? Sinungaling pala ang nagpauso nun e.
“Aigoo..”
Sumandal ako sa pader bago padausdos na umupo sa semento.
Dapat natatakot na ko ngayon kasi alam ko delikado tong lugar na to pero wala..Manhid ako ngayon. Siguro dahil sawa na rin ako masaktan kaya ganito, sanay na ko na iniiwan lagi.
T________T
Pero hindi ko pa rin mapigilan umiyak. Hinayaan ko lang tumulo ang luha ko.Kusa silang kumawala e.
“Haay buhay..”
Tak.Tak.Tak.
Anu yun?Tunog ng sapatos?
Nilingon ko ang pinanggagalingan ng tunog. May poste ng ilaw sa likod ng kung sino kaya kita ko ang silhouette niya. Lalaki?Oo lalaki.Maikli ang buhok e pero tirik-tirik naman.
“Who’re you?!” tanong ko.
Tumigil siya sa harap ko.
“Ikaw sino ka?Anong ginagawa mo diyan?”
Tsss. Badtrip to ah.Ako ang unang nagtanong di ba?
“Tss. Pakialam mo?! Umalis ka na lang, iwan mo na ko. Shoo!”
Oo, iwan na lang niya ko. Tulad nila.Mas maganda yun.
Pero imbes na umalis, umupo pa siya sa harap ko. Yung upong hindi naman sumayad yung puwet niya sa semento? Yung ganun?
“Ano ba?! Umalis ka na sabi e! Go away!! Go!!!” tinulak-tulak ko pa siya pero hindi man lang natinag.
Lintik na lalaking to.
“UMALIS KA NA SA--“
Toot. Toot. Toot.
-_ -
BLACKOUT!
---
Ren’s POV
Pauwi na sana ako ng maisipan kong dumaan muna sa E. Asuncion St. sa bayan ng Silang.
From Aguinaldo Highway ay lumiko ako sa kaliwa hanggang sa makita ko ang kanto ng E. Asuncion.
Poste na lang ng ilaw sa kalsada ang mga ilaw na bukas. Wala na ring sasakyang dumadaan dahil alas-dos na ng madaling-araw.
Naghanap muna ako ng paparadahan ng sasakyan ko bago bumaba at maglakad. Bumalik bigla sa isip ko ang mga nangyari noon.
(Balik-tanaw)
“Alagaan mo siya, Ren.”
(End ng balik-tanaw.. haha.. yun lang)
”Ren.”
Tawag sa’kin ng kung sino pero paglingon ko naman wala.
Tss. Guni-guni.
“Ren!”
Ano ba yon?!! Hay! Multo? Tss..Kalokohan.
Nababaliw na ba ko? Imba naman yun.
Hindi ko na lang papansinin.
>.<
Tinuloy ko ang paglalakad papuntang kanto.
“Ren.” Tawag na naman sa’kin.
Yung boses parang bulong lang pero rinig na rinig ko.
Out of curiosity kung ano ba talaga yun e bumalik ako sa pinanggalingan ko. Pero wala namang kung ano o kung sino doon.
Lumampas pa ko sa sasakyan ko pero wala namang kahit anong interesting sa paligid.
Multo nga kaya yun?
Biglang pumasok sa isip ko si Andrew.
Tuloy-tuloy lang ako sa paglalakad.
Tapos may nakita akong kung sino sa malayo. Nakaupo sa semento. Pag lapit ko, babae pala. Nakasandal sa isang mataas na pader.
Anong ginagawa nito dito ng ganitong oras?Hindi ba niya alam na delikado dito?
“Who’re you?!” tanong niya.
Lasing?Uhm-Uhm.Lasing nga.
Ayoko pa naman sa lahat e babaeng lasing. Tss. -.-
“Ikaw sino ka? Anong ginagawa mo diyan?” tanong ko sa kanya. Hindi ko naman makita ng maayos ang mukha niya kasi medyo natatakpan ng buhok niya. Pero maayos naman ang suot niyang damit.
“Tss. Pakialam mo?! Umalis ka na lang, iwan mo na ko! Shoo!”
Iwan ko daw siya? Seryoso ba siya? Hindi ba niya alam kung anong klaseng lugar to? Sabagay, lasing kasi kaya malakas ang loob.
Umupo ako sa harap niya. Lalo atang nagalit nang gawin ko yon. Aba! Pasensiya siya, hindi ko siya pwedeng iwan dito. Cargo de konsensya ko pa pag may nangyari sa kanya. Tss.-.-
“Ano ba?! Umalis ka na sabi e! Go away!! Go!! Umalis ka na sa---“
Toink.
Hala!
Nakatulog!
Mabilis ko siyang sinambot.
Pambihira. Huwag mong sabihin na iuuwi kita ngayon?
Tss. No choice.
Inalis ko ang pagkakatabing ng buhok niya sa mukha niya. May konting kumikislap sa pisngi niya, pag hawak ko luha pala.
---

BINABASA MO ANG
I LOVE THIS GANGSTER <3 ongoing <3
Fiksi RemajaLove is much like a wild rose, beautiful and calm, but willing to draw blood in its defense. ~Mark Overby