Kenneth ------->
Magustuhan nyo po sana yung UD. ^________^
FAN | VOTE | COMMENT | LIBRARY
NO SILENT READER
COMMENT PLEASE!!!!!
Michiko’s POV
Naunang lumabas yung nakasabay kong babae sa elevator nang makarating kami sa first floor. Inayos ko muna kasi yung buhok ko sa magkabilang side ng mukha ko tapos sinuot ko yung hood ng jacket ko, nakatulong din yung bangs ko para medyo matakpan yung mukha ko.
Mahirap na, baka may makakilala sa’kin.
Dire-diretso ako lumabas ng building, may iba ngang napapatingin sa’kin. Nagdududa siguro sa hitsura ko.
Umaambon din pala at malamig ang hangin. Aissh! Bakit kasi walang taxi dito?! >.<
Pero no choice, kailangan kong umuwi kasi papasok pa ko. At sigurado, hinahanap na ko ni Yaya Rose.
Tumawid ako ng kalsada tapos pumara ng jeep. Saktong isang pasahero na lang ang kasya. Disadvantage to sa’kin kasi mas maraming sakay, mas maraming pwedeng makakilala sa’kin. Ah! Bahala na nga!
Dumukot ako ng pera sa bulsa ng pantalon ko bago inabot ko sa driver.
“Bayad po.”
“Wala ka bang barya, ineng?” tanong ng driver. One hundred peso bill kasi yung inabot ko.
“Wala po e.” sagot ko. Yun na lang kasi yung natira kong pera. -__-
“Naku, wala akong ipangsusukli sa’yo.” Nagkakamot pang sabi nung driver. Wala naman akong maisagot, eh anong magagawa ko yun lang talaga ang pera ko? Kesa naman hindi ako magbayad di’ba?
Yung ibang pasahero napapatingin na lang sa’min. Napayuko tuloy ako.
“Eto ho bayad niya, manong.” Biglang sabi nung lalaki sa hulihan ng jeep. Sabay-sabay pang napalingon yung ibang pasahero sa kaniya. Siyempre pati ako.
Naka-white polo yung lalaki, naka-necktie din siya na binasta na lang ata kasi medyo luwag pa at black slacks, rubber shoes sa paa at backpack na wala atang laman kasi ipis. Nakapatong yun sa mga binti niya kasama yung isang black Americana. Meron ding wireless Beats na nakasabit sa leeg niya. Etudyante, hindi ko lang malaman kung anong school kasi wala namang patch yung polo niya. Baka yung Americana yung may patch, hindi ko nga lang makita.
Mukha din siyang pamilyar.
Inabot nung mga nasa unahan nung lalaki yung twenty pesos hanggang sa makarating sa driver. Binalik naman nung driver yung pera ko.
“Saan ka ba bababa ineng?” tanong nung driver habang hawak yung twenty pesos.
“Callipso po.” sagot ko. Nagulat pa yung driver, may narinig din akong suminghap. Hindi ko na lang pinansin.
Hindi na ulit umimik yung driver. Wala na ring inabot na sukli, saktong bente siguro yung pamasahe hanggang doon. Sumandal ako at yumuko pero pasimple kong tiningnan yung lalaking tumulong sa’kin. Sa labas na siya nakatingin at nakapangalumbaba, yung Beats e nasa tainga na rin niya. Mukhang walang pakialam sa nangyayari sa paligid niya.
But, I’m wondering kung original yung Beats niya. Hindi rin kasi biro ang halaga nun.
Sabagay, mukha naman siyang mayaman e.
Inalis ko na lang yung tingin ko sa kaniya at kinuha yung cellphone ko sa bulsa ng pantalon ko. Naka-off kaya binuksan ko pa. At as expected, puro messages at missed calls agad ang bumugad sa’kin. Pasalamat na lang ako at naka-silent to.
BINABASA MO ANG
I LOVE THIS GANGSTER <3 ongoing <3
Teen FictionLove is much like a wild rose, beautiful and calm, but willing to draw blood in its defense. ~Mark Overby