Chapter Eight

185 4 5
                                    

A/N: To my BFF ever, Roselle.. hahaha. wala siyang account dito sa Wattpad pero pipilitin ko siyang maggawa . ^___^ Enjoy ang UD!! ^___^

Si papa Damian powsss <3 --------->

FAN | VOTE | COMMENT | LIBRARY

NO SILENT READER PLEASE!!!! >.<

Damian's POV

Huwebes ng umaga, syempre may pasok ako.

Binilisan ko lalo ang pagpapatakbo ng motor ko. Nago-overtake din ako sa mga sasakyan sa unahan ko. 

Ang sarap sa pakiramdam. Kung pwede ko lang sana tanggalin tong helmet ko. Gusto ko na ngang sumigaw e, kaso baka isipin naman ng mga tao natitimang na ko kaya heto nagkasya na lang ako sa pag-ngiti.

Nag-overtake ulit ako sa isang SUV kaya napadikit ako sa sidewalk. Dun ko napansin yung isang babaeng naglalakad. At likod pa lang niya alam ko na kung sino siya. Binagalan ko ang takbo hanggang sa matapat ako sa kanya at tinaas ko ang salamin ng helmet ko na tumatakip sa mukha ko. Paglingon niya sa'kin nagulat pa siya.

"Damian!" sabi niya sa'kin. 

"Hey." sabi ko naman. Natatawa ako sa hitsura niya, mulagang-mulaga *o*. "Sabay ka na sa'kin. Ihahatid na kita sa school mo."

"Ha? W-wag na. Nakakahiya." sabi niya. Lalo akong napangiti nang mag-blush siya at yumuko pa.

"I insist. Halika na. Kesa malakad ka pa e ang layo ng school mo dito."

Nag-alangan pa siya pero sa huli napapayag ko na din. Nang makaayos siya sa pag-upo pinaandar ko na din ang motor ko. Binagalan ko na lang ng konti kasi baka matakot siya.

"Hold on to me, Roselle, baka mahulog ka." paalala ko pa sa kanya. Medyo natagalan pa bago niya ko sundin, siguro nag-alangan na naman.

Siya nga pala si Roselle, kababata ko. Junior sa East High. Sabay kaming lumaki dahil ang lolo niya ang namamahala sa mga tauhan sa hacienda ng lolo ko, at kahit magkalayo ang antas sa buhay ay magkaibigang-matalik pa rin ang mga lolo namin. Pero ngayong malalaki na kami e minsanan na lang kami magkita, kinuha na kasi si Roselle ng mga magulang niya sa poder ng lolo niya, ako naman lumipat na rin ng bahay kasama ang mga magulang ko at kapatid ko. Pero kahit na ganun, hinding-hindi ko makakalimutan si Roselle, habang-buhay na siyang parte ng buhay ko... nakatatak na siya sa isip ko... at... sa puso ko.

Hindi nagtagal ay nasa tapat na kami ng school niya. Nagsisidatingan na rin ang ibang estudyante. Hindi ko na lang pinansin ang ibang napapalingon sa'min.

"Salamat sa paghatid." sabi niya sa'kin habang nakayuko. Nahihiya na naman. Alam ko ding unease siya dahil sa mga estudyante sa paligid na nakatingin sa'min.

"No problem. Sige, mauuna na ko. Take care of yourself, Selly." paggamit ko sa pet name niya. Ginulo ko pa ng konti yung buhok niya, lagi ko yon ginagawa noon tuwing hinahatid ko siya sa kanila pagkatapos namin maglaro.

Gusto ko sana siyang yakapin dahil na-miss ko talaga siya pero magtataka lang siya kaya hindi ko na lang ginawa.

Pinaandar ko na ulit ang motor ko pero bago pa man ako makalayo ng tuluyan sa kanya ay tiningnan ko pa siya sa side mirror at hindi ko napigilan ngumiti nang makita ko siyang nakatayo pa rin sa pinagiwanan ko sa kanya at hinahatid ako ng tanaw.

Mahal ko siya at siya lang gusto kong makasama habang buhay. At alam ko na may nararamdaman din siya para sa'kin. Pero hindi ngayon ang tamang panahon para umamin ako sa kanya. Hindi pa oras.. Pinangako ko kasi sa sarili ko na bibigyan siya ng maginhawang buhay, kabaliktaran ng nakagisnan niya. At ang gusto kong gamiting pera ay ang pinaghirapan ko, hindi galing sa mga magulang ko. Kahit kailan ay hindi ako hihingi ng tulong sa kanila pagdating sa mga ganitong bagay, tama nang pinag-aaral nila ako, pinapakain at binibigay ang kahit anong gusto ko. 

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Jun 11, 2012 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

I LOVE THIS GANGSTER &lt;3 ongoing &lt;3Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon