Bedroom po ni Ren. :D ------->
NO SILENT READER,
FAN | VOTE | COMMENT | LIBRARY
---
Michiko’s POV
Aray ko! Ang sakit ng ulo ko parang pinupukpok.
>>.<<
T____________T
“Yaya! Yaya! Yaya Rose!”
Asan ba si Yaya? Bakit hindi sumasagot? Kainis naman.
Kinapa ko yung hugis Hello Kitty kong unan.
Asan na ba yun?? Bakit di ko makapa?
Argghhh!! Anong nangyari sa kwarto ko? Bakit wala yun?
Pinilit kong imulat ang mga mata ko kahit mahirap. Pag mulat ko, ceiling ang una kong nakita.
Teka? Kelan pa naging puti ang kisame ng kwarto ko? Napaupo agad ako sa kama.
Huwag mong sabihing...
“Ahhhhh!!!!!!”(irit)“Oh my god, nasaan ako????” *O*
Tiningnan ko ang buong kwarto. Pang lalaki to sigurado kasi black and white ang motif. May TV, bookshelf, table at may mga nakadikit na poster ng kung anong banda sa pader. Meron pang gitara sa sulok at speaker. Sa kabuuan maganda ang buong kwarto kahit medyo magulo.
Arghh. Sumakit na naman ang ulo ko. Nasan ba talaga ako? Kinidnap ba ko? Oh my god! T___T
“Michiko, wait lang, wag kang mag-panic. Try to remember what happened last night. Relax. Hoooo.” Sabi ko sa sarili ko sabay hinga ng malalim. Walang mangyayari kung magpa-panic ako.
Pinilit kong alalahanin ang nangyari kagabi.
Tumakas ako sa bahay tapos pumunta sa isang bar. Hindi ko na din maalala yung pangalan nung bar e. Tapos uminom ako mag-isa, ilang shot nga ba ng brandy? Ay ewan basta nalasing ako. Tapos…. Ano na nga bang kasunod???
Yumuko ako para makapagisip lalo.. Ano nga ba...
“Waaaaah!!!” (irit na naman -.-)
Nasaan ang mga damit ko?!!!!! XL tshirt lang ang suot ko at undies. Oh my god. Hindi kaya?
Pinakiramdaman ko ang sarili ko..
Parang wala namang nagbago. Ang masakit lang talaga sa’kin ay ang ulo ko. Wala namang kakaiba dun sa,,, alam niyo na… hehe..
Haay..Medyo nakahinga ako ng maayos.
Bumaba ako ng kama kahit medyo nahihilo pa ko tapos lumabas ako ng kwarto and wow! Ang ganda ng bahay. Ay hindi pala bahay kundi pad. Kita kasi sa floor to ceiling na bintana yung mga establishment at yung…. Taal Volcano?!!!!
Huwhaat? Nasa Tagaytay ako?!!!!
Bumaba ako ng hagdan pero dahan-dahan lang. Nakaamoy ako bigla ng kung anong niluluto.
Bllllrr...
Nakuuu. Yung tiyan ko nagwawala na naman. =//////
Stay focus, Michiko, focus!
Naghanap ako ng bagay na pwedeng ipang dipensa ko pag nagkaharap na kami ng taong nagdala sa’kin dito. May nakita naman ako, isang figurinesa ibabaw ng center table. Kinuha ko yon at pinitik-pitik.
Nodding. Pwede na to.
Hmm! Patay ka sa’king kidnapper ka. Ha-ha-ha!
Dahan-dahan akong lumapit sa butas sa pader na tingin ko ay papuntang kusina. Buti na lang din ay nakayapak ako kaya bawas ingay. Mahirap na. At tulad nung sa mga action film, sumandal muna ako sa pader tapos pabiglang pumasok doon.
BINABASA MO ANG
I LOVE THIS GANGSTER <3 ongoing <3
Teen FictionLove is much like a wild rose, beautiful and calm, but willing to draw blood in its defense. ~Mark Overby