FAN | VOTE | COMMENT | LIBRARY
NO SILENT READER PLEASE!!!
^______^
Marco <3 ---->
---
Ren's POV
"My darling girl
I run blindly ahead and hold you
Just as I am, I run to you and hold you without fear
When I see you beautiful
My, my, my, my heart bursts...
(Instrumental)"
---
A/N: English version ng JAYWALKING ng Eye Candy band.. :)))))) From the KDrama Shut Up! Flower Boy Band. <3 Napanuod niyo na ba to??? hahaha.. amganda super. :PPPP achuchu! hahaha
---
Tumigil ako sa paggigitara, napatigil din tuloy sina Damian.
"Ren?" nagtatakang tanong ni Marco.
Inalis ko ang pagkakasukbit nung gitara sa balikat ko tapos pabagsak akong umupo dun sa sofa.
"There's no use. Wala si Shuji." sabi ko sa kanila. Nagsitanguan naman yung tatlo at binitiwan na yung mga kanya-kanyang music instruments.
Walang kabuhay-buhay ang practice namin pag ganito. Kahit na naggigitara rin kasi ako, si Shuji parin ang main guitarist.
"Sabi niya mag-tetext siya kung hindi siya makakapunta, pero hanggang ngayon wala pa." sabi ni Kenneth.
Tiningnan ko yung wall clock. Alas-nuwebe na.
Tsk!
Gusto kong mainis kay Shuji pero wala naman akong karapatan kasi kapatid niya ang dahilan. Pare-pareho ang buhay naming lima, malungkot. Puno ka nga ng materyal na bagay pero salat naman sa pagmamahal. At bilang kuya, ayaw ni Shuji na maranasan din yun ni Keiko. She's too young for that. Kaya todo intindi na lang kaming apat. Isa pa, kapatid na rin ang turing namin kay Keiko.
Naputol ang pag-iisip ko ng may marinig kaming bumababa mula sa hagdan, mayamaya pa nakita na namin si Shuji..... kasama si Keiko. Napatayo tuloy si Marco at Kenneth.
"Hey." sabi ni Shuji.
"Good evening, mga kuya." bati naman ni Keiko, akay-akay siya ng kuya niya.
"Hi, baby. Kamusta ka na?" si Marco sabay lapit kay Keiko at binuhat. Tumawa naman si Keiko.
"Ok lang po, Kuya Marco." ^____^
Habang paupo si Marco at kalong si Keiko ay tumingin ako kay Shuji. Isang nagtatanong na tingin.
"She wants to go here, Ren. Gusto niyang makita ang practice room natin kaya dinala ko siya dito." sabi ni Shuji.
"Pero Shuji, gabi na. Dapat natutulog na si Keiko." concerned na sabi ni Kenneth. Tumabi na pala siya kay Keiko at Marco.
"Ngayon lang naman to. Maya-maya din iuuwi ko na siya." si Shuji.
Tumango na lang ako at pumayag. Wala naman talagang kaso sa'kin kung dumalaw si Keiko, ang importante makapag-practice kami.
"Uhmm. Baby, gusto mo ba manuod ng practice namin?" tanong ni Marco.
BINABASA MO ANG
I LOVE THIS GANGSTER <3 ongoing <3
Novela JuvenilLove is much like a wild rose, beautiful and calm, but willing to draw blood in its defense. ~Mark Overby
