My Instant Boyfriend [1] It all started ...

232 8 0
                                    

A/N: Thank you ulit sa pag-fan. :))

------------------

1.

Tria's POV

Alam niyo yung salitang "Pag-ibig?"

Natural alam niyo kasi lahat naman tayo alam yang salitang yan at nakakaramdam din tayo ng ganyan. Alam niyo, iyang salitang iyan kasi madalas ang ugat ng katangahan ng tao o sabihin na nating talagang yan ang ugat ng katangahan ng tao.

E yung "Tunay na Pag-ibig," alam niyo?

Tsk. Naglolokohan na ata tayo dito. Malamang napapanood niyo yan sa mga madramang palabas sa T.V pero peste kasing tunay na pag-ibig na yan. Sabi niya tunay daw ang pag ibig niya, na hindi niya ako iiwan o papakawalan man lang.

Pero bakit ganun? Iniwan niya pa din ako? O nasaan na yung sinsabi niyang hindi niya ako iiwan? Nasaan na? Ano 'yon? Nilipad lang agad agad ng hangin na parang basurang papel?! At pinagpalit pa ako sa Bestfriend-slash-Pinsan ko. Saklap no?

Bigla tuloy nagflashback sa akin nung nakaraang linggo, tinawagan ako ni Mike. Ang saya-saya pa nga niya e. Excited pa nga daw siyang makita ko. Ang sabi niya, magkita daw kami McDo na favorite tambayan namin. Dahil nga narinig ko siyang excited e naging excited na din ako. Nag-ayos ako, nagpaganda ako, nagsuot pa nga ako ng dress e. Yung araw kasi na yun, we're going to celebrate our 1st anniversary. Dala ko pa yung regalo ko sakanya which is yung matagal na niyang gustong bilhin na costume na magandang ipanglaban sa Cosplay convention. Cosplayer kasi siya. And to think na pinag-ipunan ko talaga yung costume na 'yon. Ang saya saya ko pa nga habang papunta ako sa McDo pero ano ang nadatnan ko?

Si Mike at si Aya, Naglalandian. Alam mo yung tipong naka-akbay sakanya si Mike tapos siya naman nakasandal kay Mike at ayun, nagsusubuan at naglalampungan sa McDo.

Hindi ko alam ang gagawin ko sa puntong 'yon. Buti nga hindi ko nabitawan yung regalo ko dahil lalong humigpit ang hawak ko sa regalo ko. Kulang na nga lang mabutas ng mga kuko yung box e. Na-shock ako e. Sino bang hindi? Lumapit ako sa kanila. Nagulat ko ata sila? Tss. Bigla silang umayos ng upo at umasta na parang hindi sila magkakilala.

Ngayon klaro na ang lahat sa akin na, Saksakan pala talaga ng kalandian ang

boyfriend ko.

Gusto kong umiyak. Pero ayokong ipakita na nasasaktan ako sa kalandian nila. Basta ang alam ko, gusto ko silang pag-umpugin na dalawa, sigawan, ipahiya, awayin, sampalin. Pero hindi, pinapangalagaan ko ang image ko kahit nerd lang ako. Kinapalan ko ang mukha ko at sinabi sakanila, "Hey guys, musta ang love life? Is this some kind of prank? Inform me para alam ko kung tatawa na ako."

Nangingilid na luha ko nung sinasabi ko yun pero pinipigilan kong pumatak at para matapos na rin 'to, "Oh I see, silence means 'Yes' di ba Mike?" pesteng tao 'to. Hindi man lang ako kayang tignan? Sakit nito. Grabe. Tusok sa puso ko.

Oh well, the show must go on, "Grabe ka naman Mike. Saktong 1st anniversary natin ka pa naghanap ng kapalit ko. Ganda ng taste mo Mike. Sobra. Lamang sakin ng isang libong paligo. Enjoyin mo yan ha. Ay oo nga pala! Here's my anniversary gift for you at BREAK NA TAYO. Sige, ipagpatuloy niyo lang yang landian niyo . Alis na ako ha. Madami pa akong gagawin e. Bye."

Gusto kong tumakbo, gusto kong humagulgol pero hindi pwede e. Kailangan hindi ako halatang nasaktan sa nasaksihan ko. Naglakad ako with poise at akalain mo nga naman, hindi ako hinabol ng magaling kong EX. Nung palabas na ako sa pinto, tinignan ko siya ng madalian at aba, ang ganda ng nakita ko. ITINULOY NILA ANG PAGLALANDIAN NILA.

WOW lang ha. Ang galing nila. Promise.

Alam niyo, hindi naman kasi ako maganda. Nerd nga e. Hindi rin ako sexy. Simple lang.

Si Mike. Matalino, Gwapo, Campus Heartthrob, Sweet sa mga babae. Top 3 sa mga pinakasikat na Cosplayer sa Pinas. Kaya nga laking gulat ko at ng buong campus nung niligawan niya ako na hindi naman ako um-oo. Nung una, akala ko pustahan lang nilang magbabarkada. Pero siya na rin ang nagsabi na seryoso daw siya sa akin at kung anu-anong bola pa ang mga pinagsasabi niya na nagpapakilig naman sa akin nung mga panahong 'yon. Naging sweet at caring akong girlfriend sakanya dahil na rin sa siya ang unang minahal ko. Sabihin na nating first boyfriend ko siya at first love na din. Pero anong ginawa niya? Niloko at ipinagpalit ako. At sa PINSAN ko pa?! Amp lang ha.

Umuwi na ako kaagad at nagkulong sa kwarto. Hindi ko na ni-lock. Mabubuksan din naman nila. Useless din di ba?

Nagbihis ako, sinet-aside ang salamin ko at kumain nalang ako ng chocolate. Stress reliever ko din 'to kahit papaano aside from reading books. Habang kumakain ako, biglang pasok naman si Daddy.

"Baby Girl..."

"Yes po?"

"We already know the news..." ahh. Yung break-up naming ng walanghiyang 'yon? Tss. Waste of time dad. "And we know how you feel now... Kaya mo yan anak. You're a strong girl right? Well, I have something to tell you." Huh?

"What is it dad?"

"He's not worth of your love. Una palang, alam na naming na he's cheating behind your back yet..."

"What.did.you.just.say.dad? You know everything?"

"Of course. Alam mo namang madami akong connections and I'm just protecting you kasi it's your first time to enter a relationship pero hindi naming masabi sa'yo kasi you'll not believe us kasi sa mga actions niya, he look like a loyal man pero he's not." I love you dad...T__T

"Yeah. I know. I just caught him a while ago." Bitter na kung bitter pero hindi ako iiyak sa hayop na manlolokong 'yon.

"Kung gusto mong umiyak. Then let it fall out of those beautiful eyes. Para naman malinis ang mata ng baby ko." Natawa naman ako. Gawin ba namang tagalinis ang luha pero it cleanses the eyes naman di ba? Niyakap ko lang siya ng mahigpit na may ngiti sa aking labi.

"Baby girl... I've adopted a man..." Huh?! Lalaki? Pero bakit?

"What do you mean? Bakit hindi bata?"

"Kasi he's already an orphan. Hindi ko siya inadopt to be my unico hijopero he'll be my successor in due time." Eh?! Naguguluhan na ako kapag pumapasok na ang salitang 'Business.'

"So, only child pa rin ako and he's not going to be my brother? Bakit dad?"

"Because he'll be your boyfriend."

"Arranged relationship ba 'to dad-Aray!" nabatukan pa tuloy ako. =_____=+++

"It's obvious my dear. Buti nga boyfriend muna at hindi fiancé." Oo nga no? Hindi ko napansin 'yon. Ang utak talaga ni daddy, "Kasi I don't want to make things up fast. Mas maganda siguro'tong idea ko no? Did you know that I am the first man who made a deal like this."

"Hahaha! You never fail to make me laugh. Yeah, I accept your proposal pero kapag fiancé kaagad. A big NO." at nagkwentuhan kami hanggang sa nagtawanan na. Ganyan talaga kami ni daddy. Daddy's girl kasi ako though close din kami ni mommy. Palagi kasi siyang may business blah blah abroad kaya palaging kami ni daddy ang naiiwan. Kahit busy yang si daddy, he will surely allot time just to hang out with me. Only child lang kasi ako. I'm not a spoiled-brat.

Ang galing no? In an instant, mayroon na kaagad akong boyfriend though hindi ko pa siya na-meet. Sino kaya siya? Magkakasundo kaya kami? Will our relationship last till the end?

***

My Instant Boyfriend: Just got luckyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon