Prolouge

23 6 0
                                    


"Lumayo kayo dyan demonyo sya."

"Oo pinatay nya si kara!."

"Wag na tayong makipaglaro sakanya baka patayin nya din tayo."

"Mina! Lumayo ka dyan baka patayin ka nya!"

Malakas at malamig na simoy ng hangin ang bumabalot sa katawan ng labing isang taong gulang na  batang babae. Bukod sa maingay ang kaniyang paligid dahil sa mga pangungutiya, at pang-aakusa sa kaniya. Kita niya rin ang magulong paligid.

Gusto man nyang takpan ang mga tenga nya sa mga naririnig ay tila ba parang wala buhay ang katawan nya. Patuloy ang pag tulo ng mga luha nya at mahinang humihikbi.

Gustuhin man nyang mawalan ng mga mata ay hindi nya kaya. Puro mga pangbabatikos ang sinasabi sakanya ng mga batang kaklase nya matapos ang karumaldumal na pangyayari.

Hindi nya kasalanan. Alam nyang hindi nya kasalanan. Sadyang alam nyang mangyayari ang pagkakataong iyon subukan man nyang pigilan ay tapos na.

"Tumigil na nga kayo!." Napatigil sya sa pag iyak ng may humarang sakanya upang ipagtanggol sya sa mga ito.

"Lumayo ka na sakanya kian! Papatayin ka nya!." Sigaw ni Camile. Nagsimula nanamang manubig ang kanyang mga mata.

"Ikaw ang tumigil dyan Camile hindi nya kasalanan kung nahulog si Kara sa rooftop! Kaya tumigil na kayo!" Sigaw nya ulit dito. Hindi na sya tumigil sa pag iyak hindi dahil sa mga nang aaway dito kung hindi sa nagligtas sakanya. Natutuwa sya.

"Ikaw akala mo kung sino kang magaling!." Napatigil si Melody sa pag iyak ng makarinig sa ng nagkakaguluhan.

Nanlaki ang mga mata nito ng nakita nyang nag susuntukan si Kian at Jim. Patakbo syang pumunta dito at umiiyak na niyakap si Kian sa likuran nito.

"Tama na Kian!." Pikit matang pinigilan ni Melody si kian sa pakikipagsuntukan.

"Melody.." Binitawan nya si Jim at pabalik na niyakap ni Kian si Melody.

"Umalis na kayo kung ayaw nyong isumbong ko pa kayo!." Matapos sigawan nito ang mga batang kaklase nila ay tumakbo na ang mga ito papalayo.

"Okay ka lang ba?." Tanong ni Kian kay Melody ng harapin nya ito.

"Pasensya na kung nadamay ka pa." Sambit ni melody habang pinupunasan ang mga luha nito.

"Eto oh.." Sabay abot ng panyong kulay rosas sa mga palad nito.

Agad na kinuha nya ito at ipinang punas sa mga mata. Nang ibabalik na nya ito ay napansin nya ang sugat, pasa at kalmot sa mga braso nitong mapuputi.

"May..may mga sugat ka." Pilit man nyang huwag mapaiyak ay kusang tumulo ang mga luha nya. Kasalanan nya iyon. Hindi sana ito nasaktan kung hindi sya nag paapi.

"Ah.. Hindi okay lang ako ano ka ba wala lang yan!." Hinawakan ni Kian ang balikat nito ng mapansing umiiyak ito, ngumiti sya at hinawakan sya sa pisngi upang titigan sa mga mata ni Melody "Okay lang ako."

Sa gulat ni Melody sa ginawa ni kian sakanya nakita ni melody ang ayaw nyang makita lalo pa't si kian iyon. Ngunit tila mapaglaro ang tadhana.

Napasinghap ito ng mag tagpo ang mata nila nakita nya... Nakita nya ang--

"Kian!." Parehas silang napatingin sa babaeng galit na palakad ngayon sa kinaroroonan nila.

"M-mama." Nanginginig na napahawak si kian kay melody. Napatingin sya dito kita nya ang takot at kaba sa mga ekspresyong nakikita nya sa mukha ni Kian.

"Hindi ba't ang sabi ko sayo ay hindi ka lalabas?!." Nang tuluyan ng makalapit ang nanay ni kian ay sandaling tinignan sya nito bago pabalang na hinablot si Kian sa mga braso nito kahit na may mga sugat ito.

Napatitig sya kay Kian. Ilang hakbang pa bago tuluyang makalayo si Kian ay nilingon sya nito. Isang malungkot na ngiti ang iginawad nito sakanya. Tila may pahiwatig ito.

Hindi.. Hindi maaari; kailangan nyang mapigilan ang nakita nya.. Ang Kamatayan ni Kian.

THOSE EYES [ On-going]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon