Kabanata una

21 6 0
                                    

Kabanata una
Decision Making

Nakatitig lamang ako sa mga papel na nakapatong sa mga hita ko. Ano bang mangyayari kung papasok ako ng paaralan? Magiging masaya ba ako tulad ng ibang mga kabataan ngayon?

Napabuntong hininga ako at isa isang iniligpit ang mga flyers na bigay ni nanang elar kanina. Ayaw na daw nya akong laging nakikita na nasa loob ng bahay at nag kukulong, ilang taon narin kasi akong nag homeschooling.

Ayoko lang namaang may mangyaring masama kaya hanggat maaari ay ako nalang ang iiwas. Kaysa may mapahamak ng dahil lang sa'akin.

Nabasag ang katahimikan sa loob ng kwarto ng may kumatok. Sigurado naman syang ang nanang elar nya ang kumatok.

"Anak. Hindi ka pa ba maghahapunan?" tanonng nito, napatingin naman ako ng bahagyang binuksan ang pintuan.

"Bababa na po nanang elar." Sambit ko at muli kong binigyan ng huling tingin ang mga papel. Siguro ay pag iisipan ko kung pagbibigyan ko ang sarili kong buksan muli ang pintuan para sa iba.

Lumipas ang gabi ay di parin ako makatulog buhat siguro 'to ng mga palala sa'akin ni nanqg elar na mag aral ng senior high sa paaralan. Sa huli ay naisipan ko ring makatulog.

Kinaumagahan tinawag ako ni nanang elar at pumunta daw sa sala. Kahit inaantok parin ay pinilit kong bumangon.

"Ano po iyon?." Pagkababa ko sa hagdan ay naabutan kong hawak nito ang telepono ng bahay.

"Ang mommy mo kakausapin ka daw." lihim na napabuntong hininga ako sa sinabi ni nanag elar. Ano namang dahilqn para tumawag ito ng ganito kaaga?.

Inabot ko ang telepono pagkatapos ay ngumiti ako ng may pahiwatig kay nanang elar. "Sige anak. Ako'y mag luluto lang nang umagahan." Sinundan ko muna ng tingin si nanang elar palayo sa kinaroroonan ko bago ko bigyan ng pansin ang teleponong hawak ko.

"Ma." Pagkalapat ko pa lang  ng telepono sa aking tenga ay rinig ko na ang mga taong kausap nito sa kabilang linya. Bakit pa sya tumawag kung busy sya?.

"Excuse me." Rinig kong sabi ni mama marahil sa kausap nya. "Anak, ipinadala na ng tito jason mo ang mga form ng iba't ibang universities ikaw nalang ang bahalang pumili." Anak. That's sound new to me.

Agad na napakunot ang noo ko?. Si tito jason ang nag padala? Isa lang ibig sabihin nito. "Ma! I already talk to you about this." Medyo iritang sabi ko. Sinabi ko ng ayokong pumasok sa university o kahit anong school pero pinipilit parin nila ako lalo na si tito jason.

Tito jason is my adopted father. Pangalawang asawa ni mama , hindi kami good terms ni tito jason dahil siguro ayaw nya rin sa'akin. Well the feeling is mutual. Tatlong taon ng nagsasama si tito jason at mama at masasabi kong sa una lang talaga magaling ang mga lalaki.

Isang taon mula ng ikasal sila ay laging si mama ang nasusunod sa lahat ng bagay. Pero sa ngayon? My mother was under by tito jason. They already migrate in U.S because of business purpose, inutos iyon ni tito jason kay mama.

Nalungkot ako at gustong sumbatan si mama na bakit sya nagpapadala' sa mga utos ni tito jason. Pero tuwing naalala ko kung gaano kasaya si mama tuwing kasama nya si tito ay umuurong dila ko.

"Anyway, i don't have time to pro-long this call i have a important client today. So, like what your tito jason said you need to pick a university this incoming school year and besides magaganda ang piniling mga eskwalahan at universities ng tito jason mo. Just think about it anak, please?." Alam ko ang tono na iyon. Kahit naman na ayaw ay pipilitin parin ako ni mama dahil kay tito jason.

Napabuntong hininga ako bago ko sinagot si mama. "Opo pag iisipan ko,." Okay! Pagiisipan ko pa naman, dahil hanggang ngayon ay natatakot parin akong makisalamuha sa iba matapos ang trajedyang pilit akong binabalik-balikan.

"Okay, I hear that Melody, don't just think---try it, okay i'll hang up now your tito jason is here." Bago pa ako makapagpaalam ay narinig ko ng binaba ni mama ay telepono nya. Great!.

"Anak handa na ang agahan kumain ka na." Napalingon ako sa may gilid nakita ko ai nanang elar na nakadungaw.

"Ahm..kayo nalang po muna ng iba pang mga maids at saka ni mang kaloy ang kumain, aakyat lang po ako." Pagkasabi ko n'on hindi ko na initay pa ang sagot ni nanang elar, kukulitin lang nya ako. Parang bigla akong napagod ngayong araw.

THOSE EYES [ On-going]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon