Kabanata Tatlo
"Tigilan mo na yan kara!." Sigaw ng batang si Melody na tila ba hingal na hingal naimo'y tumakbo ito patungo doon, ang hindi nila alam ay may isang dalagitang nakatingun sa kanila.
***
Parang dinudurog ang puso ko sa nakikita ko. Ayoko ng maalala pa ang nakaraan! Bakit ba pilit ko itong naaalala? Gusto kio ng kalimutan ang nangyari!.
"Wala kang alam Melody." Naginig ang buo kong katawan ng bigla itong tumingin sa kinaroroonan ko. "Isa ka lang namang batang nahuhulaan kung paano, saan at kailan mamatay ang isang tao." Nanlaki ang mata ko ng magbago ang kulay ng mata nito. Hindi ko napansin iyon noon, bigla nalang nagkaroon ng tanong sa utak ko.
"K-kara!." Natauhan ako ng sumigaw ang batang si melody at daling-dali itong dumungaw kung saan nagpakahulog si kara noon,katulad na katulad ito sa totoong nagyari, kinapa ko ang dibdib ko dahil sa takot. Maghihinganti na ba sya?.
Naglakad ako papalapit sa batangmelody nakatalikod sya mula sa'akin ng lapitan ko ito alam kong umiiyak sya, dahil sya ang nakaraan ko. Hahawakan ko na sana ang balikat nya ng biglang narinig kong bumukas ulit ang pintuan kaya't napalingon ako pero agad na kumunot ang noo ko walang taong lumabas sa pintuan, muli kong binalingan ng tingin si melody pero ng lingunin ko ito--
"K-kara!." Agad na napahawak ako sa dibdib ko napaatras pa ako dahilan para matumba ako sa kinatatayuan ko. 'Nakikita nya ba ako?'
Pumalakpak sya at tumawa, "ang galing galing mo naman melody hanggang sa dulo ba naman ng kamatayan ko ay kayo parin ni kian ang magkasama. Defenetly a hero." Napakurap ako sa nagyayari , iwinaksi ko ang takot na nadarama ko at tumayo napansin kong hindi pala sya sa'akin nakatingin kung hindi sa dalawang batang magkayap 'si kian at ako'.
"W-wala na sya kian! Hindi ko kasalanan! Wala akong ginawa para pigilan sya!" Iyak ng batang si melody.
"Aww. Paawa girl." Nagtaka ako. Hindi sya nakikita nila kian pero bakit parang buhay na buhay sya sa paningin ko.
"Shhh." Pagpapatahan ni kian sa batang si melody. Napatitig ako kay kian. Gusto ko syang lapitan pero ayaw gumalaw ng mga paa ko
Nanatili akong nakatitog sakanya. At kusang tumulo ang kga luha ko wala rin akong nagawa para kay kian. Namatay sya ng wala manlang hustisya. Napatakip ako ng bibig para hindi ako mapahikbi ng tuluyan. Kian was my first love.
"Tara bumaba na tayo tahan na." Tuluyan na akong napaiyak ng maalala ko kung paano sya pinatay ng walamg kalaban laban wala manlang akong nagawa.
Kian..
"Susunugin kita melody!! Sisiguraduhin kong mapupunta ka sa impyerno dahil sa pagkamatay ng taong mahal ko! Papatayin kita melody! Kapalit ng buhay ni kian!." Napatingin at Napatigalgal ako kay kara halos mahulog ang puso ko ng nakita ko syang nakatayo ngunit nakalutang ang dalawa nyang mga paa sa ere. Pinunasan ko ang mga hilam na luha ko at saka ko ito tinitigan.
"K-kara." Bulong ko. Puno ng pag hihiganti ang pula nyang mata. "Wala akong ginawa." Di ko alam pero napaluha nalang ulit ako bindi dahil sa takot kung hindi dahil kay kian hindi siguro magkakaganito ang lahat kundi ko nakilala si kian. Hindi sana sya mamamatay.
Napabalikwas ako ng bangon hindi dahil sa tunog ng alarm clock. Huminga ako ng malalim at pilit na isinisiksik sa utak ko na na nakaraan na yun. Pero sadyang binabalikan ako ng nakaraan at isa pa ang weird ng panaginip ko parang nasa loob ako ng isang kwento. Kwento ng nakaraan.
Ikinalma ko ang sarili ko at pinunasan ang pawis ko sa noo 'hindi ko alam na pinagpawisan pala ako' tumayo ako at i-chineck ang air con. Tumayo ako pero agad din akong napatigil ng may luhang tumulo sa mga mata ko. Unti unti ay napahagulgol ako, hindi ko kailan man matataguan ang sarili ko.
Nakatitig lang ako sa kung saan feeling ko parang ang bigat bigat ng araw ko. Siguro dahil sa dala ng panaginip ko. Bumuntong hininga ako at saka inayos ang kama.
Napalundag ako ng tumunog ang notif ng laptop ko. Agad ko itong binuksan at napabunyomg hininga ako ng mabasa kong nakapasa ako sa bernadeth straight academy. Tutuloy pa ba ako?
Pero nang maalala ko kung gaano kaliwanag ang ngiti ni nanang Elar ay agad na nagbago ang isip ko.Buti nalang talaga at tumatanggap sila ng online examers dahil kung hindi, sigurado akong home schooling parin ako hanggang ngayon. Kinakabahan man ay tuwang tuwa akong nag-sent ng massage kung ipapadala nalang ba nila ang mga forms at uniform ko. Pero ng mag replay si agad ding napawi ang ngiting dadala ko.
'Were Sorry madame but you need to fill-up your forms and claim your uniform personaly we can't include you as a student if you are not comming directly or personaly to pass your requirement that in our rules ang regulation, thank you.'
Pabagsak akong umupo sa kama at kinuha ang laptop para kuhanin ang address ng school na pinasukan ko. I have no choice, kaysa naman madisapoint sa'akin ang lahat, pero aaminin ko natatakot parin akong makihalubilo sa mga tao dahil sa mga nakikita ko. Pero nagpapasalamat parin ako at parang na-i-co-control ko na ito. Hindi na katulad ng dati.
Pag nasusulyapan ko nag matagal ang mga mata nila ay doon ko nakikira ang takot nila sa kamatayan kaya naman madali ko lang nalalaman ang kahahantungan nila, minsan pang pinigil ko iyon pero huli parin ako.
Napabuntong hininga ako at tumayo para maligo ng maglalakad na ako. Biglang sumakit ang ulo ko may mga imahe ring lumalabas may mga naririnig rin ako.
"Dyosko tulungan nyo kami!."
"Pasensya na pero wala na kaming magagawa."
"Tumawag kayo ng tulong!."
Tuluyan na ako nawalan ng balanse at napasalampak nalang ako sa lapag. May mga nakikita akong kabao nagsisiliparan na itim na uwak at malabong litrato na kasama ako di ko matandaan kung saan ko iyon nakita, nakita ko rin ang mansyon namin. Ano ang konek ng mga ito?.
Bigla nalang nawala ang mga paulit ulit na imahe at mga naririnig ko ng may kumatok. Para akong tumakbo ng napakalayo dahil sa pag bilis ng hininga ko. Nang biglang maalala ko nagyayari iyon sa tuwing may mamamatay. Agad na kumabog ng malakas ang puso ko. M-may mamatay! Natatakot ako anong gagawin ko! Pano ko mapipigilan ang lahat ng 'yon?.
Muli akonv napabaling ng tingin sa pinto ng may kumatok muli. "Iha, melody! Tulog ka pa ba? Nako'ng bata ka wala ka ba'ng balak na mag almusal?." Agad namang napawi ang agam-agam ko ng marinig ko ang boses ni nanang Elar.
"Opo! Baba po ako pagtapos ko po'ng maligo!." Saka ako tumayo para kuhanin ang twalya ko at naligo pero daladala ko parin ang takot ko.
BINABASA MO ANG
THOSE EYES [ On-going]
Mystery / Thriller"Ano? Hindi ba tama ako? Kaya ka lumalayo ay dahil nakakakita ka ng kamatayan ng ibang tao?. Well! Para lang malaman mo." Tumitig sya sa mga mata ko 'wala akong makita' purong dilim ang nasa mga mata nya. Bakit wala akong makita? "I'm not scared to...