"Nang Elar alis po muna ako." Sabi ko pagkababa ko ng hagdan ng maabutan ko ito na ng pupunas ng mwebles. Dalawang araw na ang makalipas ng lumabas ang mga imahe sa isip ko, sa tingin ko baka nagkamali lang ng mensahe ang nakikita ko. Pero misan hindi ko parin maiwasang mangamba.
"Ay! Nako anak! Magpahatid ka kay mang kaloy mo." Binitawan nya ang basahan at ipinunas na ang kamay nya sa malinis na basahan bago sya tuluyang lumapit sa'akin.
"Ay nang Elar hindi na po, malayo po kasi ang byahe ko saka po baka matagalan lang po ako, Baka mapagod si Mang Kaloy mas mabuti po at narito kayo, kaya ko naman po." Pigil ko rito.
"Nako. Magiingat ka. " mukhang hindi pa kunbinsido si nanang Elar na paalisin ako mag isa. Magpapasalamat sana ako ng biglang napaubo si nanang Elar agad na napakunot ang noo ko at nilapitan sya.
"Okay lang po ba kayo nanang Elar?."agad na tanong ko patuloy parin sya sa pag ubo nito. Paramg napapadalas ata ang pag-ubo ni nanang Elar?
"Oo, anak maayos na ang pakiramdam ko naparami lang ang inom ko ng malamig kanina pero okay na ako, sya. sya humayo ka na at baka ay mahuli ka pa sa iyong patutunguhan." Hinawakan nya ako sa braso at inihatid sa gate ng mansyon.
"Sige po wag nyo pong kalimutang inumin ang mga gamot ninyo." Huling paalala ko kay nanang Elar. Bago sumakay sa taxi-ng pinatawag ni Sonya kanikanina lang. Pero parang hindi ako mapakali. Ay, ewan ko ba. Huminga nalang ako ng malalim.
Habang nasa loob ako ng taxi panay lingon ng taxi driver sa'akin. Kinutuban ako. Natatakot 'man ako ay hindi ko iyon pinahalata tiyak na mas matutuwa sya kung mag papakita ako ng takot sakanya.
Nang malapit na kami sa bayan sinabihan ko ang driver na doon nalamang ako sa may kanto ihinto. Agad akong bumaba ng taxi sa takot ko. Tinignan ko ang taxi nang palayo na ito.
'Buti nalang' tinignan ko ang cellphone ko kung nasaan na ako, tatlong sakay pa mula sa eskwelahan ang pupuntahan ko. Napabuga nalang ako ng hangin.
Pumunta ako sa sakayan ng Bus patungong Sta. Rosa. Habang naglalakad ay hindi ko maiwasang kabahan. Bakit ba ako kinakabahan?
"Ah. Miss panyo mo nalaglag." Napalingon ako sa kumalabit sa'akin. Agad na nanlaki ang mga mata ko. Bumilis ang tibok ng puso ko, Hindi maaari! Patay na sya! Hindi ko pinansin ang paglahad nya ng panyo sa akin tanging pagtitig lang ang ginawa ko sa kanya, base sa mukha nya kamukhang kamukha nya si Kian, pero bakit?
"K-kian?" Mahinang sambit ko bago tumulo ang luha ko ng mga sandaling iyon. Hindi ko alam siguro dahil na rin sa pagbugso ng dadamdamin ko at sobrang pag dadalamhati kahit na lumipas na ang panahon. Hindi ako tanga at isiping si Kian nga ang nasa harapan ko. Alam ko- alam kong ibang tao ang nasa harapan ko.
Muli kong pinantitigan ang mga mata nito kahit na nagtataka sya kung bakit ako lumuluha at tinititigan sya ng ganito. Ang mga mata nito ay tila may nag iba. Wala na ang kislap sa mga mata nya katulad ng nakikita ko sa mga mata nito noon. Ni wala akong makita alin man sa dalawang iyon.
Maaaring tama nga ako kamukha lang nya ang taong ito.
"Miss!" Hindi ko alintana ang mga taong tumatawag saakin. Bahagya akong lumapit sakanya ngunit-
"Miss, ano ba! Sasakay ka ba? Aalis na." Hinatak ako ng Kondoktor paharap sakanya, gusto ko sanang sapakin iyong kondoktor sa ginawa nya,.
Pero ng nakita nyang lumuluha ako ay napayuko nalang ito at nagpaumanhin, hindi ko nalamang sya pinansin.Pinunasan ko ang luha ko at muli kong binalingan ng tingin ang lalaking kamukha ni Kian.
"Ki-" Pag lingon ko ay wala na sya. Inikot ko ang paningin ko sa paligid ngunit sa dami ng tao ay hindi ko na sya mahagilap. Bakit bigla syang nag-laho?. Totoo ba iyong nakita ko? Nagpaparamdam ba sya sa'kin?
Hindi ko na alam, hindi ko na maintindihan ang nangyayari.
Napahawak nalang ako sa ulo ko ng mga sandaling iyon.
Huminga ako ng malalim at nagpasyang umupo nalang sa isang waiting area ng bus, pinakalma ko muna ang sarili.
Muli akong napapikit ng sumakit ang ulo pati ang mga hinaharap na nakita ko ay muling sumulpot sa isipan ko.
"Parang awa nyo nya! Tumawag kayo ng ambulansya!"
"Ah! Shit!" Napahawak ako sa ulo ko, sobrang sakit. Ang sakit! "Ahhhh!" Gusto ko nang tanggaling ang utak ko sa sobrang sakit.
"Miss okay ka lang?" Kahit na masakit ang ulo ko ay nabigyan ko pa ng oras para tignan kung sino ang taong kumalabit sa akin. Pero parang wala akong nakita. Malabo na ang paningin ko. Pumikit pikit ako pero mas lalo lang nanlabo ang paningin ko.
"Teka miss-"
THUD!
"Miss! Miss"
I was hearing Kian's voice, he's maybe calling me by now. Why? I'm in a middle of life and death? I chuckled. Maybe that's Right. Kian's calling me.
BINABASA MO ANG
THOSE EYES [ On-going]
Mystery / Thriller"Ano? Hindi ba tama ako? Kaya ka lumalayo ay dahil nakakakita ka ng kamatayan ng ibang tao?. Well! Para lang malaman mo." Tumitig sya sa mga mata ko 'wala akong makita' purong dilim ang nasa mga mata nya. Bakit wala akong makita? "I'm not scared to...