Kabanata dalawa
Umagang-umaga ay nakatulala ako sa harap ng pagkainan habang walang ganang tinutusok ang kawawang pastang nasa harapan ko. Ano bang plano ko?.
"Anak, Melody masamang pinag aantay ang pagkain." Agad na napukaw ang tingin ko ng magsalita si nanang elar na may dala ng tubig. Napakagat ako sa labi ko. Sasabihin ko ba?. Tinignan ko uli si nanang elar bago mag salita.
"Nanang, paano kung bumalik ako sa school--i mean pumasok ako sa paaralan?." Napahinto sa pagaayos ng mga pagkain si nanang elar sa harapan ko dahil sa sinabi ko. Sandali syang tumitig sa'akin na animo'y pinoproseso ang mga sanabi ko.
"Ano iyon? Melody?." Ah! Mukhang hindi pa naproseso sa utak ni nanang elar ang sinabi ko.
"Papasok na po ako ng school." Nakita kong nagliwanag ang mga mata ni nanang elar. Tiyak na natuwa sya. Siguro ito nalang ang gagawin kong dahilan. Kung hindi man maging maganda ang kinalabasan ng plano. Siguro kaylangan ko ng harapin ito.
"Nako! Natutuwa ako't babalik ka na sa eskwelahan, anak." Kitang kita ko ang tuwa nito sa mga mata nya. Binitawan nya ang pitsel na hawak nya at tuwang tuwang lumapit sa'kin at niyakap ako. Ngumiti ako at niyakap din sya pabalik. Ever since sya na ang tumayong magulang ko. I really adore nanang elar. I did'nt felt empty at all.
Patay na kasi ang tatay ko ng ipinagbubuntis palang ako ni mama, kaya siguro ay mailap ako ng nagkaron ako ng step father, higit sa lahat inagaw nya ang atensyon ni mama na dapat ay sa'akin.
"Sige anak, kumain ka na ha? Sabihin mo nalang kung anong gusto mo, babalik lang ako sa kusina." Bumitaw si nanang elar sa yakap at hinaplos ang buhok ko, sandali pa ay umalis na ito, patungong kusina.
Napabuntong hininga ako. I miss my dad. Kahit na di ko sya nakita at nakilala sigurado akong mahal nya ako. Kahit na patay na si papa i still iadmire him. Sumilay ang ngiti sa labi ko habang nakatingin sa pasta at pagkaing nasa harapan ko.
Parehas kami ng tatay kong may hilig sa pag papainting, nalaman ko yun sa kwento ng mama ko no'ng bata pa ako. Nakita ko rin ang ibang mga piyesa nito sa pagpipinta sa kwarto ni mama ang ilan ay nakasabit pa sa ding ding, bagamat may katagalan na yun ay hindi iyon kinalimutan ni mama. My mother was his number one fan. She admire him so much. Ngunit ang di ko maintindihan bakit nagawa nya itong ipagpalit sa iba.
"Anak, malalim ata ang iniisip mo." Agad na napatigil ako sa pag alaala sa papa ko, ng tawagin ako ni nanang elar. Napansin kong may dala pa itong ibang putahe. Hindi ko napansing naglakd papunta dito sinanang elar. Siguro ay masyado lang okupado ang utak ko nitong mga nakaraang araw.
"Ah.. 'Nang elar, paki tabi nalang po yung pag kain mamaya nalang po ako kakain. Salamat po." Ngumiti ako at Kinuha ko ang basong nilagyan ng tubig ni nanang elar kanina at ininum ito bago ako tumayo at naglakad patungong hagdan.
Nakaharap ako sa laptop ko ngayon, nag hahanap ako ng eskwelahan na papasukan ko. Tinignan ko narin ang mga emails na pinadala ni tito jason tungkol sa school's at univeraities na pagpipilian ko at tama nga si mama magaganda ang facilities doon pati narin ang patakaran nila, pero dahil sadyang di ko gusto si tito jason kaya papairalin ko ang pride ko.
Idi-nelete ko ang mga isinend ni tito jason na forms at emails. Nag open ako ng panibagong tab at nag hanap ng magandang school na papasukan ko.
Napahikab ako at pinilit na bukasan ang mata ko habang nagfi-fill up ng form para sa napiling papasukan kong school. Tinignan ko ang wall clock ko. It almost 1am.
Humikab ulit ako at in-enter ang form. Hindi ko na sinara ang laptop ko wala na ako oras para isara iyon kusa namang mamamatay iyon. Kaya ipinikit ko nalang ang mata ko at kinuha ang kumot sa tabi at saka binalot ang sarili. Parang ang lamig ata?.
Isang malakas na hangin ang bumalot sa katawan ko bago ko maimulat ang mata ko at isang pamilyar na lugar ang nakita ko, nasan ako? Tumingin ako sa paligid, naaalala ko ang lugar na ito hindi ako maaaring magkamali!.
"Ahhh!, masasama kayo! Ang sama-sama nyo!." Napalingon ako sa lugar kung saan may sumigaw isang batang babaeng nakatungtong sa may railings ng rooftop, tila ba nanlamig ang buo kong katawan at namanhid. B-bat nandito sya? Ang batang si Kara?!.
Hahakbang na sana ako para lapitan at pigilan si kara ng bumukas ang pintuan, at tuluyan na akong napaluha dahil sa nakita ko, gusto ko ng umalis dito!.
"Tigilan mo na yan kara!."
BINABASA MO ANG
THOSE EYES [ On-going]
Mistério / Suspense"Ano? Hindi ba tama ako? Kaya ka lumalayo ay dahil nakakakita ka ng kamatayan ng ibang tao?. Well! Para lang malaman mo." Tumitig sya sa mga mata ko 'wala akong makita' purong dilim ang nasa mga mata nya. Bakit wala akong makita? "I'm not scared to...