001 • The University

142 15 9
                                    

//

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.


//

"ATE PAKIBILISAN NAMAN DIYAN O!" Dali dali akong pumunta sa table number 3 at inilapag ang order nila sa lamesa.

Hindi ko alam kung restaurant ba talaga 'to o karinderya. The costumers are too loud, kaya naman ay mayroon talaga itong private area para sa mga gusto ng katahimikan. Well, I can't blame them, e sino ba naman kasing matinong magtatayo ng isang mala French Resto sa gitna ng lugar kung saan walang tulugan ang mga tao?

And yes, I'm a part timer. And since summer ngayon, ay makakapag trabaho ako nang tuloy-tuloy. Mahirap din kasing ipagsabay ang trabaho sa pag aaral.

Kinuha ko na ang mga gamit sa paglilinis ng lamesa nang kalabitin ako ni Dyn na katrabaho ko't pinapunta muna ako sa isang kwarto sa private area. Agad akong kumatok sa pintong may numerong 21 na nasa dulo ng hallway.

"Bonjour! This is Athena from Nourriture Restaurant, how may I help you?" Katok ko. Kakatok pa sana ako kasi walang sumasagot nang biglang bumukas ang pinto't pinapasok ako.

"Uhmm. Good Afternoon Sir, Ma'am. Can I get your order?" Tanong ko sa lalaking nasa mid 60s at sa dalawang babaeng tingin ko'y mag ina. Nakangiting umiling ang babaeng mga nasa mid 30s.

"No, hija. We just finished our foods. We just want to invite you." napatingin ako sa lamesa, at mukha ngang tapos na silang kumain. Tanga ko naman, hindi ko man lang napansin. Pero, agad na napakunot ang noo ko sa narinig ko.

Invite? Taray ko naman?

"Are you free tomorrow night?" She asked and so I nod. Uhh, nahawa na tuloy ako sa pagsasalita nila ng ingles.

"Good. We're gonna make you—"

"A waitress there." Pagputol ng isang dalagang babae sa kaniyang ina. Magsasalita na sana yung mama niya nang inunahan niya ulit ito.

"And don't worry about your attire. We will give you everything you need." Singit ng babae sa mataray na tono. Ngumiti ako sa kanilang lahat. Ayos, mukhang malaki laking pera to ah.

"Uhh, saan po ba?" The old man looked at me.

"Sa isang prestihiyosong paaralan. May gaganapin na pinaka engrandeng Ball sa buong Pilipinas. And I hope you'll come." He said and stand up. "We will go ahead. See you there, Athena." At saka na sila lumabas. Wait, paano naman ako makakapunta doon? Sus, baka naman pinagtitripan lang nila ko.

At saka, seryoso? Pumunta pa talaga sila dito para kunin akong waitress sa isang "prestihiyosong paaralan" bukas ng gabi? Eh, mas maraming waitress na nagkalat sa paligid at ako pa taga ang trip nila. Tss.

Inayos ko nalang ang kwartong 'yon at ngayon ay tapos na ang shift ko't naglalakad ako pauwi ng apartment ko nang makaramdam ako ng gutom. Pero isinawalang bahala ko muna iyon at naglinis muna ng katawan nang makarating na ako sa tinutuluyan ko. Matapos kong maglinis ng katawan ay hindi ko maiwasang isipin ang tatlong nakausap ko kanina.

When We Wake UpWhere stories live. Discover now