NAKAUPO AKO SA SANGA NG PUNO HABANG UMIINOM NG FRESH MILK. I heaved a sigh at umiling iling habang pinagmamasdan ang mga pulis na gulong-gulo na. At ang isa'y halatang naiinis pa sa inaasal ng detective na naka headphone at umiinom lang ng beer sa gilid habang napapa headbang sa pinapakinggan niya. Silly, he's not taking it seriously, is he?At dahil chismosa ako, ay pinakinggan ko yung usapan nila kanina. The police inspector is proclaiming that it was a murder when in fact I think it's not. Hello? Sino bang gagong mag iiwan ng murder weapon? Ng mga trace na magtuturo sa kaniya?
Napakadali lang ng kasong to pero halos abutin na sila ng isang araw kakaimbestiga. Well, policemen are useless. That's based on my experience. Isa pa, paano ba nila yan malulutas kung pa chill chill lang yung detective.
I yawned. Madaling araw na din kasi. I sneaked out because I'm curious if policemen are still stupid. At tama nga ko. Pinikit ko ang mata ko at sumandal sa trunk ng puno. Malaki naman tong sanga na inuupuan ko. Di ko alam kung anong klaseng puno to. Basta malaki.
At dahil nga bawal lumabas ngayon, ay agad akong sinita ni Zeus na nakaupo na pala sa kabilang sanga. I see, he's weightless. Hindi ko man lang napansin ang pag akyat niya.
"What are you doing outside?" he asked. Tiningnan ko siya't pumikit ulit. Anak mayaman talaga siya, napaka kinis ng balat at ni isang marka ng pimples ay wala kang makikita. Malinis din siya sa katawan. He's indeed a model to the students here.
"If your senses are still complete then you should know the answer." sagot ko na nagpatawa sakaniya.
"If you're an ordinary girl, you're trembling right now." hindi ko siya sinagot. Narinig ko nalang na napabuntong hininga siya ng malakas. "Wanna know why, Athena?"
"Not interested." yeah, these past few days, ay nahawa na ko sa pag sasalita nila ng Ingles. And it's a good improvement.
"Kasi kung sino man ang kumausap sakin, ay pinapatay ng babaeng patay na patay sakin." okay, that made me opened my eyes and laughed so hard that even the detective saw us. "Go, laughed hard. Para maparusahan ka pag nakita ka nila."
"Curse your ass, Zeus. Gising na, umaga na." sagot ko't tumalon sa baba. At dahil mataas yon, ay medyo sumakit ang paa ko. Punyetang detective yan, tinuturo na ko sa mga teacher. Tsk.
I am now heading to our building. Napapahikab pa ko dahil sa antok. Hindi ko kasi namalayang alas tres na pala nang maka balik ako sa kwarto ko. Sa totoo lang, tinatamad akong maglakad.
Pero dahil ayaw nilang ibigay yung sapatos na kusang umaandar, ay kailangan naming mag tiis. I scratched my head and rolled my eyes when I saw the detective heading towards me. Ano namang kailangan nito? Tss.
"Good morning, Miss Athena." he greeted me with his wide smile that gave me creeps. It's like, he's the second version of Joker. Tinanguan ko lang siya't nagpatuloy lang sa paglalakad. And, he's still following me. Kaya naman ay agad ko siyang hinarap, pero dahil may pagka tanga yung detective, ay nagkauntugan kami ng malakas.
I was about to say what I wanna say to him when I suddenly felt dizzy. Napahawak ako sa detective at pumikit, nagbabakasakaling mawala ng kaunti. Hindi naman to dahil sa pagpupuyat ko, kasi sa twing may pasok noon e apat na oras lang ang tulog ko.
"Are you ready?" napadilat ako't napatingin sa detective. Kinunot ko ang noo ko, at ganon din siya.
"Saan?" mas lalo pang kumunot ang noo niya.
"Huh? Anong saan?" sinamaan ko siya ng tingin.
"You're asking me if I'm ready. Saan nga?"
"Are you ready, Atrianne?" I rolled my eyes again.
YOU ARE READING
When We Wake Up
Mystery / ThrillerAthena, as a well-known Greek Goddess of wisdom and war, was chosen by the Officials of the International Island University to be one of the Goddesses in their school. Athena Damieniss hate the idea, for the IIU is adopting the great mythology of th...