NANATILI LANG KAMING NAKATINGALA SA LANGIT. Mag a-alas nuebe na pero nandito pa rin kami. Tiningnan ko siya at kinunot ko ang noo ko.
"Wala tayo sa pelikula, oy. Nakakagutom kaya." reklamo ko't inalog alog ang balikat ko para maistorbo siya.
"Baboy ka talaga." agad naman akong tumayo dahilan para mahulog ang ulo niya.
"Me? A pig? Really?" biro kong tanong at kinuha na ang heels ko't dumiretso sa hagdan. Binato ko din sa kaniya ang coat niya bago umalis.
"Yna, hoy!" rinig kong sigaw niya. Pero di ko na siya nilingon at sinabing nagugutom na ako. Dideretso ako sa dorm ng mga babae, kaya naman ay dumaan ako sa may grand hall. Pero di pa man ako nakakalayo ay may humila na sa braso ko.
"Hi!" bati ng isang babaeng kasing edad ko lang. Nginitian ko siya ng kaunti.
"Sorry. Kailangan ko nang bumalik sa dorm—"
"Bakit? Mamaya na, let's enjoy the party!" she said excitedly and pulled me. Hinila niya ako hanggang sa makarating kami sa grand hall na kung saan ay nagsasayawan na ang mga tao. Umupo kami sa may bandang bintana at tinawag niya ang waiter. Binigyan kami nito ng menu.
Pero sinabi ko nalang sa babaeng kasama ko na kahit ano na lang dahil parang puro Greek's dishes lang ang nasa menu. Umalis na rin ang waiter nang makapili na ang kasama ko. Tumingin nalang ako sa labas. Dahil nga hindi ko alam ang sasabihin ko.
"So, I'm Hestia." nakangiti niyang aniya. Nginitian ko din siya pabalik.
"Athena." sagot ko pabalik. Nag kukwento siya nang biglang huminto ang tugtog at pagtingin namin sa dance floor ay may dalawang matandang sumasayaw.
"Sino sila?" tanong ko kay Hestia na naging dahilan ng pagkakunot ng noo niya.
"Hindi ka sumama nong pinakilala kayong newbies sakanila kahapon?" napailing na lang ako na tinawanan niya.
"Naalala ko tuloy si Ma'am Anthena sayo." aniya na ikinakunot noo ko.
"Who's she?" I asked but she just waved her hand.
"Don't mind her." ngiting sagot niya't sumimsim sa wine niya. "Anyway, yung matandang babae si Mrs. Rhea Simons at yung lalaki naman si Mr. Cronus Simons."
"Anong meron sa kanila?" tanong ko pa.
"They are the royal couple. The King and the Queen." and that made me nod and realized that they're the one who went to the Resto to inform me about this school.
"Anong ginagawa nila?" I asked. She crossed her arms. "I mean, para saan? Anong purpose nila?"
"They are behind this shit." napapitlag ako nang may biglang sumagot sa gilid ko. Hinila niya ang upuan sa tabi ko't bored na umupo.
"Nemesis, your words." suway sa kaniya ni Hestia na kinunutan lang niya ng noo.
"Why? Totoo naman. This is all a piece of shit." sagot ni Nemesis. Mayroon din palang nasa katinuan dito. Well at least, may kasama na ako.
"Oo nga. But, let's just pretend that we are enjoying the play." Hestia whispered that made Nemesis rolled her eyes.
"Anyway. You're Athena, right?" Nemesis asked me while enjoying her wine. I nod my head and gave her a smile.
YOU ARE READING
When We Wake Up
Mystery / ThrillerAthena, as a well-known Greek Goddess of wisdom and war, was chosen by the Officials of the International Island University to be one of the Goddesses in their school. Athena Damieniss hate the idea, for the IIU is adopting the great mythology of th...