WEEKS HAS PASSED BY AND NOTHING STRANGE IS HAPPENING. But of course, di parin ako papakampante. Nalutas na rin ang kaso ng instructor na di ko maalala yung pangalan, because the inspector asked my opinion. Or is it because I knew what's the answer? Di naman siguro sila ganon ka tanga para di marealize na ginago sila nong tao bago mamatay.
Di sana ako magsasalita kaso he blackmailed me na isusumbong daw niya ko sa heads na lumabag ako sa curfew. Well, di naman talaga ako nangamba, it's just nagbigay siya ng insight na kaparehas ng sakin.
Well now, may PE kami. And this is kinda amazing because we're discussing about different weapons and what are their usage. Hmm, suspecting. Napangisi ako ng palihim nakinig nalang sa instructor namin.
She's discussing and showing a demo on how to use each weapons properly. Actually not even a single weapon caught my attention, but pag aaralan ko lahat. In case of emergency lang.
Nang maipakita na niya kung paano gamitin lahat ay pinasubukan niya samin lahat hanggang sa ma master na namin kung paano gamitin lahat, pero syempre, di naman lahat ay makukuha agad kung paano gamitin lahat. Gaya ko, hirap na hirap akong gumamit ng pana. Sakit sa balikat peste.
Matapos naming subukan lahat ay hinati niya kami sa dalawang grupo. Kumuha siya ng tig isang representative sa bawat grupo. Napunta ako kay Zeus which is group 1 and malas ako lagi kapag napupunta ako sa first group. And I dunno why. Pinabunot sila ng representative ng group 2 na si Achilles. Binuklat ni Achilles yung papel na nakuha niya at ngumisi, samantalang si Zeus ay walang reaksyong binasa lang ito.
"Sino ang defense?" Zeus cleared his throat and stood up straight.
"Ms. Dianne, the defense group is the group one." aniya.
"And obviously, group two is the offense group. May we start?" dugtong ni Achilles nang may ngisi sa labi.
"Chill. Di ko pa nasasabi ang mechanics." natatawang sagot niya kay Achilles.
"Okay, the mechanics of this game is simple. Kailangan niyo lang maalis sa katawan ng kabilang team ang mga weapon na hawak nila. Pero siyempre, may labanan parin na magaganap. At dahil nga offense team and group two, sila lang dapat ang susugod. Taga depensa lang ang group one. Kahit anong weapon ang kunin niyo. But make sure to wear your gears. Walang papatay. That's all. Get ready na." diretsong ani at umupo sa mataas na upuan niya.
Sinuot na namin ang protective gears dahil punyeta, totoong kailangan naming gamitin yung weapons. Mga pasakit sa buhay. Sakit ng katawan lang naman dulot nito. Pano nalang yung mga estudyanteng hindi fan ng pakikipaglaban? Wala talaga silang pake.
"Are you guys ready?!" masayang sigaw ni Ms. Dianne.
"READY!" sigaw nilang lahat. Excited na excited ang mga group two, para silang mga naka drugs. Tumunog na ang bell, hudyat na nagsimula na ang laban. Noong una, nagpapakiramdaman pa ang lahat. Nang biglang sumigaw si Achilles kaya agad na nagsisuguran ang nga hunghang niyang kagrupo. Mga siraulo.
Nasa pinakalikod ako kaya sila palang ang nakikipag laban, hawak ko lang ang maliit na kutsilyo na hindi ko inalam ang tawag. Meron din akong tatlong singsing na may patusok sa kanang kamay ko. Relax lang ako sa likod nang mag humawak sa kutsilyo ko't marahas itong hinigit. Inutil, naka tali kaya to sa kamay ko.
Agad kong nilingon kung sino iyon at nakita kong si Ares yun. Haist, masyado talaga siyang insecure sakin. Ghaaa. Nakita kong may dugong lumabas sa gloves niya. Hangal kasi. Inirapan ko na lang siya at inilahad ang kamay ko na ikinakunot ng noo niya.
YOU ARE READING
When We Wake Up
Mystery / ThrillerAthena, as a well-known Greek Goddess of wisdom and war, was chosen by the Officials of the International Island University to be one of the Goddesses in their school. Athena Damieniss hate the idea, for the IIU is adopting the great mythology of th...