Chapter 5: The Date?

224 36 13
                                    

James' POV:

*Knock Knock*

"Bukas 'yan!!" sigaw ko. Tapos bumukas ang pinto

"Sr. James, the car is ready for your date later" sabi nung butler namin

"Hindi nga yun date! Eh Sige sige alis na! Mamaya ko pa 'yun kailangan."

Di na sumagot ang butler namin. Pati ba siya akala date ang pupuntahan ko? Hindi naman date tawag dun... tawag dun ay friendly shopping? Hindi! Hindi ko siya friend and I hate shopping!! Ay basta Malling, yun na lang ang tawag dun!

Tinext ko na si Belle na susunduin ko siya ng 11:00am to go to the mall! Maghahanda na ako! Pero antok pa ako! Anong oras pa lang naman eh! 7:30am pa lang! Pwede pa akong matulog! Gigisingin naman ako nung butler. 

*Sleep*

Belle's POV:

Nasan na ba si James? Niloloko lang yata ako nun eh! Sabi hintayin ko sa tapat ng bahay namin ng 11:00am! Anong oras na kaya 2:00pm na!

Natusta na siguro ako kung di pa ako pumasok ulit sa bahay! Kanina ko pa tinatawagan! Last na 'to pag di pa ako sinagot... maghahanda na lang ako ng gamit para sa trip bukas. 

*Ring Ring*

"HELLO!!! JAMES NASAN KA NA? ANONG ORAS NA 2:00pm NA!! PUPUNTA KA BA O HINDI?" pasigaw na tanong ko sakanya! 

"Oo! On the way na ako! Traffic lang!" sagot niya na parang kakagising niya lang

"ANONG TRAFFIC? SA KABILANG VILLAGE KA LANG OH!! PAG NAG 3:00pm NA AT WALA KA PA DITO, MAGHANAP KA NG TUTULONG SA'YO MAGHANAP NG REGALO PARA KAY MINA!!! BYE" binabaan ko agad, baka mag-palusot na naman! 

James' POV:

 Syet! 2:00pm na pala! Ngayon di naman ako kinatok nung butler. Ok wag mag-panic! First thing maliligo muna ako! Mabilisang ligo na! 

*After 25 minutes*

Ok nakaligo na! Clothes.. Ano susuotin ko! Smart Casual na lang! Polo and Jeans! Ok na 'yan! Ok grooming na! Wax, suklay at Pabango! Ok na!

"Butler, pakihanda na yung kotse na silver! Sabihin mo sa driver, pupuntahan natin 'yung hinatid ko noong isang araw! Pakibilisan na please!" sigaw ko habang nagsasapatos na ako.

Pagkakakita ko sa relo ko. 2:40pm na. Ok meron pang 20 minutes kaya 'yan! Bumaba na ako at naka-salubong ko 'yung butler.

"Sir. James saan po ba---" tatanong niya sana ako,pero pinutol ko agad

"Basta pakisabi na lang kayla Mommy and Daddy na kasama ko si Jeremy! Magmo-mall kami! Sige na nagmamadali na ako!!" sabi ko habang tumatakbo na sa may garahe namin.

You + Me= Syntax ErrorTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon